Chapter 33: Confession

138 3 1
                                    

                  "Ano ba kasing problema mo!??" malakas na tanung ni setong at tila nawala na ko sa sarili at hindi ko mapigilan bakit? bakit ganito ang nararamdaman ko ngayun!?

"IKAW!!!" O________O!! kahit ako ay nagulat sa sinagot ko kay Setong!!!

"Ako????" sabi niya.

"Oo, hindi ko alam kung bakit napaka manhid mo! hanggang ngayon pa din ba iniisip mo na kaibigan lang ang nararamdaman ko sayo? hindi pa ba sapat? hindi mo ba nararamdaman? O baka manhid ka lang talaga?" bumuhos na ang damdamin ko...hindi ko na pipigilan pa.

"Ah...ano? hindi kita maintindihan"

"Mahirap bang intindihin para sayo? mahirap bang intindihin na hindi na kaibigan ang nararamdaman ko sayo! Mahal kita pero hindi bilang kaibigan matagal na pero hindi ko kayang aminin noon pa man naiingit na ko kay Mark dahil siya ang pinili mo at hindi ako pero hanggang ngayon! Mahal na mahal pa din kita! Mahal kita Setong! mahal na mahal! Gaano ba kahirap intindihin yun!" sampit ni Jeo

O_________O PROCESSING!!!!! Nasabi ko ba talaga yun kay Setong??? Jeomar!!! ikaw ba talaga yan???? pareha kaming natigilan matapos akong magising sa katotohanan hindi ko alam ang gagawin ko....hindi na ko makatingin sa kanya at tila hiyang hiya wala na kong mukhang maiiharap sa kanya kaya naman kumaripas na ko ng takbo.

"Ang tanga mo Jeomar! ang tanga tanga mo!" nakarating ako sa playground at pinagususntok ang isang puno na malapit doon.

"Kung ganun tama nga ang hinala ko...mahal mo nga pala talaga si Setong higit pa sa pagiging isang kaibigan" nagulat ako...sinundan ako ni Ayah???

"A-ayah?"

"Hindi mo naman kailangan sabihin dahil kitang kita naman ng lahat na higit sa pagiging kaibigan ang nararamdaman mo para kay Setong"

"Sorry...sorry kung ikaw ang idinahilan ko kay Setong...sinabi ko na ikaw ang gusto ko kahit ang totoo hindi ko lang maamin sa kanya ang nararamdaman ko.."

"Wala naman problema yun saakin eh...naiintindihan ko"sagot ni Ayah.

"Sa totoo lang mahal ko na siya noon pa pero naunahan ako ni Mark at sa tingin ko kahit niligawan ko na siya noon pa ay si Mark ang pipiliin niya...eh ako? kahit alam kong masakit nanahimik ako...naghintay at nagpaubaya pero kahit wala na si Mark ganun pa din at ngayon? darating si Khyle para ano? para guluhin kami ni Setong?"

"Tumahan ka na...alam mo may mga bagay talaga na kahit anong gawin natin kung hindi talaga para saatin hindi mo talaga makukuha"

"Pero halos lahat naman ginawa ko? nung mga panahon na hirap na hirap siya may problema siya...nung mga panahong malungkot siya at wala si Mark sa tabi niya, hindi niya ba nakikita? hindi niya ba nararamdaman? kaya ko lahat punan ang lahat ng yun! nandito ko lagi para sa kanya hindi ko siya iiwan at sasaktan papasayahin ko siya lahat lahat! pero bakit sa bandang huli...eto! eto pa din ako..." niyakap ako ni Ayah hindi ko na mapigilan ang maluha.

"Napaka swerte naman ni Setong...bihira nang makahanap ng isang taong magmamahal sayo ng tapat at totoo...yung gagawin lahat lahat para sayo...pero tingin ko nararamdaman niya naman lahat ng yun pero sarado pa din ang puso at damdamin niya kasi si Mark pa din ang mahal niya"

"Kahit kailan...hindi ko na ba talaga mahihigitan si Mark? bakit hanggang ngayon siya pa din? ayaw ko ng maagawan kaya ngayon lahat gagawin ko para wag mapunta kay Khyle si Setong...hindi ako susuko ipapakita ko kay Setong na mas kaya ko siyang mahalin higit pa sa pagmamahal ni Mark"

AYAH's POV: Akala siguro ni Jeomar siya lang ang nasasaktan...hindi niya ba nararamdaman na mas higit na nasasaktan ako? mahal kita Jeo ewan ko pero simula nung makita at makasama kita pakiramdam ko bawat oras ng buhay ko ay sobrang saya...sa ngayon wala kong magawa kung di patahanin ka...ayaw kong makita kang ganyan...naiintindihan ko naman na kahit kailan hindi ko mapapalitan si Setong sa puso mo kaya naman wala na kong magagawa kung di suportahan ka at panuoring masaya sa piling ng iba.

Searching the Casanova's PrinceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora