Chapter 11: MANGUSTIN!!??

153 2 4
                                    

           

           "May nahuli po kami" dumating ang mga pulis dala dala nila ang isang lalaking nakasuot ng itim na damit at pantalon matangakad tapos nakasumblero nakayuko...hmm

"Magnanakaw ka! Saan niyo dinala ang mga paninda ko hindi niyo ba alam na mahal ang kuha ko doon? talaga bang lulugihin niyo ko? nag papalit lang ako saglit talaga naman ang bilis niyo!" hinampas siya ng pamaypay ng tindera napaka daming nakatingin na tao nakakahiya bakit kasi kailangan magnakaw?

"Hindi naman po ako kasali eh" hmm teka parang pamilyar yun ah saan ko nga ba nakita to??

"Hindi? Eh ano to?" nakuha nung pulis ang dalawang piraso ng mansanas sa bulsa niya.

"Hala dalin na yan sa prisinto!" sabi nung tindera.

"Parang awa niyo na ho...kailangan po ng mga kapatid ko ng makakain may sakit pa po yung isa sige na po babayadan ko din naman po pag nakaluwag luwag na ko...pangako...kung gusto niyo po magtratrabaho ko sa inyo kahit ano gagawin ko parang awa niyo na po"

"Kahit ano?"

"Opo..."

"Sige tutal kulang ako ng kargador magbuhat ka hanggang madaling arraw tamang tama bagsakan mamayang gabi"

"Okay lang po salamat po"

"Ano Ma'am absuelto na ba to?"tanung nung pulis

"Oo pero hanapin nyo yung mga kasaman niya"

"Ah....hindi ko po talaga sila kilala sumama lang ako para makakain ang mga kapatid ko"

"Wag ka nang sasama doon grupo sila ng isang gang ayon sa pagkakaalam namin" sabi nung pulis.

"Opo salamat po'

"Oh mag umpisa ka na heto ang mga bubuhatin mo" mga malalaking kahon.

"Osige po"

           Pumasok muna ko sa isang fast food restaurant makikiCR lang ako kahit na gusto ko ng kumain hayss ang bango bango pa naman ng amoy!! sana isang araw mailibre ko naman si Jeo sa ganitong restaurant mas masaya sana kung makakasama pa din namin si Mark.

         Paglabas ko sa fast food na yun nagulat nalang ako ng may biglang bumunggo saakin...ano ba yan! hindi tumitingin sa dinadaanan ang sakit napaupo ako...hayss gabi na pala! hala! yari ako sa crown prince paano ba naman hindi ko kilala yung prutas na mangustine saan kaya ko makakahanap non? kanina pa ko naghahanap!

"Miss okay ka lang ba?" nakita ko na nagkalt ang mga kahon ah baka kargador pag angat ng tingin ko...hmm teka pamilyar talaga siya eh hmm

"Muka ba kong okay?" malakas kaya ang pagkakaupo ko sa sahig nasaldak ang pwet ko! masakit kaya! lalu na ang balakang ko damay na yata ang spinalcord neto!

"Tulungan na kita" inabot niya ang kamay niya at dahil wala naman akong makapitan at masakit sakit talaga ang balakang ko inabot ko na ang kamay niya.

O___O!!!!! nagulat naman ako ng bigla niyang bitawan kaya na saldak ako aba loko toh ah!

"Aray! walangya ka talaga noh! ikaw na nga tong naka bunggo saakin tapos nakuha mo pang magbiro?" tumatawa pa ang lokong to!

            Naalala ko tuloy si Mark...tama ganitong ganito nga yung una naming pagkikita...napatitig ako sa lalaking yun hindi naman siya si Mark...at kahit ano naman sigurong gawin ko hinding hindi na ko babalikan ni Mark.

"Nakakatawa ang itsura mo!"

"Pagtawanan daw ba ko!" pinilit kong makatayo ng dahan dahan nakita ko na pinupulot niya ang mga kahon na bubuhatin niya.

Searching the Casanova's PrinceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora