Chapter 43: The real she is....

94 2 3
                                    

            Pumasok na ko sa trabaho naisip ko na hindi maganda kung tatalikudan ko nalang si Setong at si Ayah ....at si Ayah?tama may dapat pa kaming pag usapan hayss panay kapal pakan nalang talaga Jeo! nakakainis!

"Ah Setong...." nakita ko siya na naghuhugas ng pinggan.

"Jeo? buti naman at nakapasok ka!"

"Ah...gusto ko sanang mag sorry"

"Wala yun! alam mo naman na kahit anung gawin mo okay lang! hindi naman kita matitiis saka hindi ba ayaw natin na nagaaway tayo? isa pa hindi naman ako nagbago gaya ng sinabi mo ako pa din si Setong! yung Setong na kilala mo! yung engot lampa tanga tanga iyakin muryutin mataba at panget yung bestfriend mo na walang ginawa kung di katangahan at bwisitin ang araw mo sinasama ka pa sa kalokohan! ako pa din naman si Celestine, Jeo...hinding hindi naman ako magbabago...hindi talaga kasi hindi naman ako nagbago marahil natuto lang ako" niyakap ko si Setong grabe...sobrang namiss ko na ang babaeng toh!

"Jeo...tungkol sa nararamdaman mo para saakin...siguro dapat ipagsantabi mo nalang muna"

"Si Khyle ba?" umiling si Setong.

"Kasi tingin ko mas deserve ni Ayah ang pagmamahal na yan kung ikukumpara saakin" sabi ni Setong at muling naghugas ng mga pinggan habang ako naman ay tila natulos sa kinatatayuan at naurong ang dila.

          Si Ayah??? Kay Ayah????? bakit???? teka talaga bang wala na kong pag asa kay Setong bakit ganun ni Hindi ko nga magawang ipagpalit siya sa iba pero....

"Oy! Okay ka lang ba?" usisa ni Setong.

"Ah...pumasok na ba si Ayah?"

"Wala pa eh"

"Setong...wala na ba talaga akong pag asa sayo? hindi mo man lang ba ko bibigyan ng pagkakataon? Setong ang tagal ko naman na kasing naghintay lahat naman ginawa ko pero bakit ganun? subukan man lang natin?"

"Gusto ko man bigyan ka ng pagkakataon pero...ayaw kong may nasasaktan ng dahil saakin alam mo yun hindi ba?"

"Nasasaktan? Setong kung may nasasaktan dito ako yun!"

"Mahal ka ni Ayah....wag mong isipin ang sarili mo..wag panay sarili mo lang Jeomar"

O____O mahal ako ni Ayah?????

"Kung ako sayo....kung ayaw mo ng masaktan siya nalang atlis panatag na ang loob ko kung si Ayah ang babaeng mababaksakan ng pinakamatalik kong kaibigan"

"Hanggang dito nalang ba talaga Setong?" tumango lang siya..kaya naman lumabas na ko at ginawa ang trabaho ko sa parking lot.

SETONG's POV: Patawadin mo ko Jeo, alam mo sa totoo lang sinubukan ko naman...sinubukan ko naman mahalin ka....kahit sinong babae mahuhulog sayo sobrang bait mo maunawain at hindi kagaya ng iba...Tanda mo nung pinapaamin kita kung may nagugustuhan ka na? iniisip ko na pangalan ko ang sasabihin mo at nung tinanung mo ko kung papayag akong ligawan mo gusto ko sanang "OU" ang isagot sayo kaso hindi ko kaya pakiramdam ko magiging panakip butas ka lang para kay Mark...hanggang ngayon ang tigas pa din ng puso ko...gusto ko ng magmahal uli pero natatakot ako...ayoko ng masaktan o ako pa ang makasakit ng damdamin ng iba kaya naman mas maganda na si Ayah nalang mahal na mahal ka niya at alam kung hindi ka niya lolokohin...tutal kahit anong pilit ko hanggang kaibigan nalang naman talaga ang nararamdaman ko para sayo at hanggang dun nalang tayo...patawadin mo ko Jeomar.

"Setong, si Ayah?" nako pati si Manager lee ay hinahanap na si Ayah paano ba naman eh madalang malate at never umaabsent yun!

"Ah...hindi ko po alam eh wala naman sinabi saakin kung papasok siya o ano" sagot ko.

Searching the Casanova's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon