Chapter 55: Time to Let Her GO

78 0 0
                                    

     Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko...parang may mali weh ewan ko ba! Basta hindi kasi ako mapakali bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Dumating kasi ang araw na hindi na talaga pumasok sa restaurant si Ayah, hindi ko na siya muling nakita buhat nung araw na yun...

"Hindi ka pa ba uuwi? half day lang ngayun Jeomar" bati ng Manager saakin.

"Ah maya maya po linisin ko lang yun mga basura sa parkinglot" 

"Nga pala pakisabi kay Setong na tapos na ang leave niya kaya maaga siyang pumasok sa January 5"

"Opo"

"Sige, Merry Christmas"

"Merry Christmas din po" bati ko at umalis na si Manger.

           Oo nga pala, nakaleave si Setong kasi ang alam nila ay matatagalan siya sa probinsya ng mama niya nang dalawin niya ito, hahaha sa totoo lang may katamadan din kasing pumasok si Setong kaya ganun nalang ang paalam niya...minsan iniisip ko baka kailangan ko din ng leave para kausapin muna ang sarili ko...ewan pero wala ko sa sarili sa mga nagdaang araw...

"Ah...Sandali lang po Sir!" pahabol ko bago makasakay ng sasakyan ang Manager.

"Bakit? Gusto mo ba na dagdagan ko ang bonus mo? walang naman problema Jeo"

"Ah...Hindi po..."

"Wag kang mag alala, bago makaleave si Setong naibigay ko na ang bonus niya"

"Hindi naman yun...ah yung tungkol po sana kay Ayah...bakit hindi po siya pumapasok? nakaleave po ba siya?"

"Hindi mo pa ba alam? Nagresigned na siya"

O________O!!!!! " PO???? hindi ko po yata nabalitaan yan? kailan pa po?" usisa ko.

"Nung nakaraang....hmm mga dalawang linggo na siguro yun" sagot niya.

"Ah sige po , salamat naitanung ko lang"

"Sige"

"Ingat po"

           Hindi ko alam ang tungkol sa pag alis niya sa trabaho namin...pero bakit? ako ba ang dahilan? marahil hindi niya naunawaan ang nangyari...Naisip ko na puntahan si Ayah pero naunahan ako ng kaba naisip ko na bukas nalang siguro -____-

              Naglakadlakad nalang ako pauwi naisip ko kasi na mas makakausap ko ang sarili ko kapag naglakad lang ako...ang lamig na nga ngayun...malakas ang hangin ang sarap sa pakiramdam disyembre weh ito yata ang unang pasko ko na hindi ako masaya kung tutuusin dapat ako ang unang unang taong magiging masaya para kay Celestine dahil nakawala na siya sa bangungot ng nakaraan pero hindi...kasi ako...ako ay nanatiling nakakulong sa sarili kong mundo.

            Hanggang ngayon pilit kong tinatanggap na hanggang pagkakaibigan nalang ang meroon saamin ni Setong pero hindi ko kaya...susuko na ba ko? hahayaan ko nalang ba siyang maging masaya sa piling ng iba? kailangan ko ng maging masaya para kay Setong pero paano? paano ko makakalimutan at basta basta nalang isuko ang babaeng minahal ko ng sobra sobra?

SA BAHAY >___<

"Ayah?????" yun kaagad ang bumungad saakin...hindi ko inaasahang pag uwi ko siya ang madadatnan ko kausap si Kuya Jayson.

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now