Chapter 41: To be Loved.....

92 3 1
                                    

       Palapit na nga pala ng palapit ang koronasyon...damang dama ko na ang lamig ng simoy ng hangin papasok na ang buwan ng disyembre isang bwan nalang magiging hari ka na Jezreid Guztave Harold Middleton-Wilford hindi ka ba natatakot? kinakabahan? nagaalinlangan o baka naman iniisip mo na....

"Oy! Khyle saluhin mo!" O____O!!!!

"Ano ka ba! ginugulat mo naman ako! dahan dahan naman makabato naman to oh!" angal ko grabeh parang lalake ang babaeng to sa gaslaw niya kumilos! Inaya niya ko sa isang lugar na madaming puno nang...anu nga ulit tawag dito????

"Nakakailang mangustin na ba?" tanung ni Setong ayun! MANGUSTIN!! lakas ng loob neto na umakyat ng puno pag nalalag ka tignan ko lang!

"Bumaba ka  na nga umuwi na tayo! ang daming malalaking langgam sa lugar na to!"

"Ano ka ba Khyle! Ikaw nga ang nagturo sakin ng lugar na to eh madalas ka kayang magtanim dito sakto bagong bungga nanaman sila ang sarap sarap mukang hinog na hinog na to"

"HA?" ako???nagtanim????? este si Khyle pala.

"Halika akyat ka dali! tignan natin yung sunset ang ganda"

"Ayaw ko...ikaw nalang"

"Hay na ko! alam mo para ka ng si Jharo kung minsan napaka KJ mo"

"Wala ka na bang ibang bukang bibig kung di laitin si Jharo?"

"Aba Aba nagseselos ka ba?"

"Hindi noh!" napaka feeler naman netoh!

"Halika na!"

"Ayaw ko...."

"bumaba ka na diyan at umuwi na tayo"

"Kill Joy!" dahan dahan siyang bumaba pero nabali yung sanggang inaapakan niya kaya naman nataranta ko nabitawan ko ang mga mangustin na hawak ko at kaagad na....


O_____________O!!!!!!!!!!!

Sinalo ko si Setong at napahiga kaming dalawa....teka teka bakit ang lakas kabog ng dibdib ko? nasa ibabaw ko siya naririnig niya kaya???? nakakahiya baka kung anong isipin niya..nagkatinginan kami.

<___<

>____>

"AHAHAHHA"tinawanan pa ko

"Ano?bakit ka tumatawa???" minsan talaga parang sira ang babaeng toh! baliw na yata talaga ang bruhang toh!

"Bahala ka diyan" tumayo siya at napansin ko na nadaganan ko ang bahay ng mga langgam yung malalaki???? bwisit agad akong tumayo at nagpagpag!

"Aray! ayan pinagkakakagat na nila ko! hindi mo man lang sinabi na bahay pala yan ng mga antik!"

"Buti nga yan KJ ka kasi! ano bang topak mo?"

"Sa susunod na mahulog ka hindi na kita sasaluhin"

"Sorry na" hindi ko siya pinansin at pinulot ko nalang ang mga mangustin.

"Uy! Khyle Sorry na" ulit niya.

"Khyle!!!!!!" dagdag niya

"Ano ba!"

"Sorry na nga!"

"Sorry? ngyari na eh! sorry is not enough"

"Eh anung gusto mo? yung mala Kathryn na SORRY POH!!!" nag bow pa siya sus! pa cute!

"Sige na uwi na tayo"

            Naglakad na kami pauwi...minsan naisip ko na kapag pala kasama ko ang babaeng to nawawala ang mga problema ko...yung mga intindihin ko? bakit ganun yung mga ngiti niya pagnakita mo nakakawala ng pagod? nakakatuwa ka talaga!

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now