Chapter 72: Betrayed

36 1 0
                                    





                  Kaagad akong bumalik sa kinaroroonan ni Khyle...Mark o kahit ano pang tawag sayo Jeremy! Hindi ko alam kung ano ang ngyari sayo at sa iyong itsura pero natitiyak kong tama ang aking mga narinig! "Nagdalawang isip ako sapagkat magkamukhang magka mukha sila ni Jharo" sabi nung Francis"Marahil may nilihim sayo ang reyna, Francis mukang noon pa lamang ay duda na siya sayo kaya naman gumawa siya ng paraan upang ikaw ay linlangin."sagot ni Aleonah "Marahil tama ka...naisahan nga ako ng reyna sa pagkakataong yun ngunit wala na siya...madali na natin mapapabagsak ang pamumuno ni Jharo" yun ang mga katagang paulit ulit na sumasagi saaking isipan.


              Batid kong nasa panganib si Jeremy..si Jharo at ang buong bansa lalo na kung sakaling magtagumpay si Aleonah sa kanyang binabalak ngunit hinding hindi ko siya hahayaang mag tagumpay sa kanyang mga binabalak.


"Tila may pupuntahan ka?" Nagulat ako ng biglang tumambad si Aleonah sa daan napahinto ako sa pagtakbo ng makita ko siya kasama ang iilang kawal.

"Nakikiusap ako...ihinto mo na ang mga binabalak mo, hindi ito makakabuti sa bansa at kung nais mo talagang maging reyna nakikiusap ako gumawa ka naman ng mabuting layunin na hindi pang sarili mo lamang!"

"At sino ka naman para sundin ko? Sa totoo lang ay isa ka sa mga hadlang sa aking mga binabalak"

"Wala akong interes na maging reyna kaya kung yun lamang ang gusto mo ay hindi kita hahadlangan" sampit ko.


"Bakit ako maniniwala sayo? ngayong parehang anak ng yumaong hari ay tila naakit sayo ng tuluyan hindi ko alam ngunit wala naman akong nakikitang kaakit-akit sayo?" sarkastikong sabi ni Aleonah.

"Pwede bang itigil na natin to!" sabi ko.

"Hindi ak titigil hangga't hindi ko nakukuha ang aking nais, dakipin ang babaeng yan!" hiyaw ni Aleonah at sapilitan akong hinila ng kanyang mga kawal.


KHYLE's POV: Sa wakas at dumating na ang araw na ako naman ang nakatakdang maningil sayo Francis! hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa mong panlilinlang sa aking Ina at Ama.

"Nagkaharap din tayo Jeremy"bati niya.

"Naniniwala akong ito na ang huling beses na ako'y makakaharap mo." nasa plano ang pag punta ng mga pulis sa aming lokasyon at sa mga oras na to alam kung paparating na sila pasimple ko din pinakuha ang mga nakuhang video ng CCTV marami akong assets kaya naman masisiguro kong planado ang lahat.

"Kung inaakala mong ako'y iyong masisindak nag kakamali ka mahal na prinsipe."

"Hindi kita sinisindak...nag sasabi lamang ako ng pawang katotohanan" nilabas ko ang aking espada at kami ay naglaban.


               Maya maya lamang ay narinig ko ang tinig ni Celestine na tila humihingi ng saklolo...teka ang buong akala ko ay nakalikas na sila nila Jhar? Tinulak ko si Francis at sinipa sabay takbo sa kinaroroonan ni Celestine.

"Bitiwan niyo siya! Aleonah wag na wag kang mag kakamaling saktan ang babaeng yan!" hiyaw ko.

"Hindi ko man matukoy kung sino sa inyo ni Jharo si Jeremy ngunit batid kong iisa lamang ang babaeng inyong iniibig"

"Ibigay mo siya saakin"

"At bakit ko yun gagawin?"

"Pumapayag na kong mag pakasal sayo kung pababayaan mong mabuhay ng payapa si Celestine at hihirangin kita bilang aking reyna" wala na kong choice...kailangan mailigtas ko si Celestine.

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now