Chapter 74: The Fallen of King Jezreid

52 0 0
                                    


          Ilang buwan ang lumipas at nakalabas na ng ospital si Lilo at kinagalak namin ito nila Ilayda...binasbasan naman ni Jharo ang pagtira ni Lilo at Ilayda sa palasyo. Nagpatuloy pa din si Celestine sa pag tratrabaho sa retaurant at nabalitaan kong ikakasal na si Jeo kay Ayah tila isang buwan na lang at maiisilang na ni Ayah ang bunga ng kanilang pag mamahalan.


"Oy! Khyle ngayon ka lang uli napasyal dito! umalis si Celestine ang sabi niya ay bibisitahin niya ang kanyang ina tila nagkabati na sila." salubong ni Tita Ellyn.

"Ang totoo po niyan ay kasama ko sila." sagot ko at tila nagulat ito sa pagbaba sa sasakyan ni Celestine kasama ang kanyang ina at pati na din si Jharo. Kahapon kasi ay dinaanan nga ni Celestine ang kanyang ina at dinala sa palasyo doon namin kinausap ni Jharo ang ina ni Celestine...ngayong batid na nito ang katotohanan tila nag bago ang isipan nito.


FLASHBACK

"Kung ganun...ikaw at si Mark ay iisa?" usisa ng ina ni Celestine matapos malaman ang lahat lahat.

"Opo...kinalulungkot ang lahat ng mga nangyari noon at ipinapangako kung hindi hindi na ito muling mauulit."

"Ayokong mapahamak ang aking anak."

"Ibibigay ko po ang aking buhay wag lamang siyang mapahamak...nakikiusap po ako sa inyo mahal na mahal ko po ang inyong anak at nagbago man ang lahat...nakalimutan ko man ang lahat tila hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya." sabi ko at lumuhod sa harapan ng ina ng babaeng aking iniibig.


"Hindi ko akalain na mangyayari ito...kung mahal mo talaga ang aking anak tila wala na kong magagawa...ayaw ko ng makitang nasasaktan ang aking ina gaya noon kaya naman kapag siya ay muling lumuha ikaw ay aking isusumpa!"

"Pangako...hinding hindi luluha ang inyong anak" tugon ko at doon ko nakuha ang basbas ng kanyang ina.

FLASHBACK END


"Teka...paanong??" tila naguguluhan si tita Ellyn

"Pumasok na tayo sa loob tingin ko madaming nakaaligid na chizmosa" sabi ng ina ni Celestine at pumasok na kami sa kanilang tahanan.

"Teka nga Khyle kung di ako nag kakamali magkamuka nga kayo ng crown prince at nalilito ko sa inyo ibig sabihin ba nito ay kambal kayo?" usisa ni tita Ellyn.

"Pakinggan niyo po ang aming isasalaysay." sabi ko at tila nagulat ito ng malaman niya ang lahat.


"Ibig sabihin buhay si Mark?" hiyaw nito.

"A-ako po si Mark..." natatawa ko sa kanyang reaction na tila gulat na gulat.

"Hindi ako makapaniwala."

"Maniwala po kayo dahil yun ang totoo." sabi ni Jharo.

"Nais ko sanang magpasalamat sayo Ellyn sa pag aaruga kay Celestine...ngayon ay uuwi na siya saakin at muling ipagpapatuloy ang kanyang pag aaral."


      Ikinatuwa ko ang pangyayaring ito tila isang panibagong panimula saamin sana ay wala ng mangyaring masama at nang mamuhay na kami ng masaya at mapayapa.


CELESTINE's POV: Ikinatuwa din ni Jeo ang balitang sinabi ko sa kanya...sinabi ko ito ng muli akong makabalik sa pagtratrabaho sa restaurant.


"Kung ganun kay pala talaga ni Mark ang nakatadhana para sa isa't isa."

"Ano ka ba! Ikaw ang bestfriend ko at hinding hindi na ko makakahanap ng kagaya mo! best wishes nga pala ikakasal na daw kayo ni Ayah"

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now