Chapter 42: Secrets will never last Forever

95 1 1
                                    

           Habang nasa daan pauwi ay nakarinig ako ng isang balita na tila nakakasira ng pandinig....tama ba ang mga usap usapang nadidinig ko?

"Khyle may problema ba?"

"W-wala naman" bumili muna si Setong ng hapunan namin sa may karinderya at sakto may telibisyon doon at talaga namang ikinasama ng loob ko ang balitang nadinig ko.

REPORTER: Ikinagulat ng bansa ang inilantad na relasyon ng napapisil na Hari mula sa karatig na bansa na si Prince Francis Anderson sa reyna ng ating bansa sa ngayun ay hindi pa naririnig ang panig ni Prinsipe Jezreid sa balitang ito ano nga ba ang bago? ni hindi lumalantad sa media ang nalalapit na hari ng ating bansa, sa unang araw ng enero na nga ba siya kokoronahan? magbabalik ang nagbabagang mga balita kaya tumutok lang kayo.

"Sus! baka hindi si prinsipe Jezreid ang uupo sa trono" sabi nung isang lalaking kumakain sa karinderya.

"Malamang may bagong karelasyon na yung reyna eh" sagot nung isa pa.

"Karelasyon palang naman eh" sabi nung tindera

"Eh saan pa ba yan mauuwi?mag papakasal din yan! at baka yung Francis ang maging hari!" sagot nung lalaki.

"Nako malamang mangungurakot lang yan! baka sakupin pa ang bansa natin"

"Ano pa nga ba! maniniwala ka bang mahal niyan ang reyna eh balita ko mas matanda lang yung Francis dun sa Jezreid ng dalawa na taon"

O___O hindi ko na gustuhan ang mga narinig ko! ganito pala ang dating ng aking pamilya sa ibang tao....sa labas ng palasyo negatibo ang mga sinasabi nila ibang iba kapag kaharap nila kami napaka plastik! hindi makatarungan! kung sa bagay muka naman talagang totoo ang bagay na yun! Kasing edad lang ni Kuya Jeremy si Francis kaya naman kataka taka...paano nagawang patulan ng aking ina ang isang prinsipe na halos parang anak niya na lang? nakakasuka pero hindi ko siya masisisi....

"Khyle...okay ka lang ba talaga?" heto nanaman  hindi ako makahinga parang tumatakbo ang puso ko....

"Ah...Ayus lang ako halika na umuwi na tayo"

"Napagod ba kita?"

"Hindi...okay lang talaga ako" hindi ko naman masabi sa kanya na masama ang loob ko sa mga bagay na nadinig ko.

        Pag uwi namin sa bahay ay kaagad akong uminum ng gamot...ng makahapunan na umuwi na din si Setong hanggang ngayon hindi ko pa din maiwasan maisip muli ang mga bagay na narinig at nabalitaan ko kanina.

"Kuya...?"

"Bakit gising pa kayo?" tanung ko kay Ilayda.

"Namimiss na kasi namin yung pagbabasa mo saamin ng libro na to eh" sabi ni Ilayda.

"Rapunzel?"    

"Chuya kahit ulit ulitin maganda pa din po" sabi ni Lilo.

"Halos punit punit na ang page nito ah"

"Eh sabi mo nababasa pa naman saka ang ganda kaya nung ending nagkatuluyan sila"

"Alam mo naman pala eh matulog na tayo"

"Eh kuya sige na..."

"Sa totoo lang pilas yung huling pahina...saka hindi naman maganda ang ending nito"

"Maganda kaya!"

"Niloloko ko lang kayo ang ending hindi sila nagkatuluyan"

O_________O" BAKIT????????" halos sabay na sinabi nila Ilayda at Lilo.

"Hindi naman talaga nagkatuluyan si Rapunzel at ang magiting na prinsipe kasi may humahadlang sa kanila walang iba kung di yung mangkukulam! kinulong niya ng panghabang buhay si Rapunzel tapos hindi siya natalo ng prinsipe dahil sinakop niya pati ang nasasakupan ng prinsipe at pinatay lahat ng kumakalaban sa kanya lahat ay naging sunud sunudan sa kanya at tuluyan ng nagkalayo si Rapunzel at ang prinsipe at hindi na sila nagkita" sinara ko ang libro at tumalikod sa kila Lilo at ilayda.

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now