Chapter 9: I Can't

161 2 1
                                    

                "Hindi ba't sabi ko sayo ay magpahinga ka muna?" nadatnan ako ni Jeo na patuloy na naglalaba. Agad naman akong napatitig sa dala niyang tapsilog nako naman! gutom na gutom na ko! tnx Jeo you are my savior hahaha!

"Eh patapos na naman ah"

"Tabi nga ako na tatapos at magbabanlaw ubusin mo na tong tapsilog"

"Nako maraming maraming salamat ha" agad naman akong tumayo sa labahan at kumain.

"Bakit ka nilalagnat? nagpaulan ka ba kagabi?"

"Hmm hindi naman"

"Sus balat kalabaw ka madalang kang magkaganyan"

"Lagnat lang naman to eh"

"Nagpagutom ka pa"

"Wala naman akong pambili ng pagkain"

"Alam mo sumosobra na yan crown prince na yan"

"Ngayon naiinis ka na din sa kanya"sagot ko.

"Eh hindi na kasi tama yun ginagawa niya lalu na sayo" sabi ni jeo

"Yieee nakakatouch naman! worried ka?"

"Eh kung hindi ka nakauwi? yari kaya ko sa tita Ellyn mo kapag may ngyari sayo!"

"Aminin mo na kasi crush mo ko!" pang aasar ko hahaha nakuha ko pang mangasar kahit ang sama ng pakiramdam ko.

"Wag ka ngang feeler! kapal mo! mga sexy ang type ko"

"Eh bakit hindi ka pa mag girl friend?"

"Pinangungunahan mo ba ko?"

"Umamin ka na kasi Jeo!"

JEO's POV: Grabeh bakit nag tatanong si Setong saakin ng ganito? nakakahalata na ba siya? bakit ba! tama bang mainlove ka sa best friend mo? so tanga tangahan Jeo? eh highschool palang kayo gusto ko na siya! anu ba yan pati konsensiya ko kalaban ko! okay lang kaya na aminin ko na? baka naman mailang siya saakin natatakot ako sa magiging reaksyon niya.

"Nagblublush ka yieee" pang aasar ni Setong..natigilan ako.

"Oh! tapos na kong magbanlaw halika na mag sampay ka na!" tumayo na ko.

"Yieee ano nga?"

"Anung ano nga!"

"Sino bang type mo? bakit hanggang ngayon wala pa kong nababalitaan na niligawan mo? bading ka ba?"

"Ako? bading? Ano ka ba katagal mo na kong kasama ngayon ka pa magdududa?"

"Sino nga?"

"Meron pero hindi ko sasabihin sayo kasi kilala mo!"

'Kilala ko??? sino????"

"Basta"

"Classmate natin nung highschool? Si Yumi? yung matalino? Si Rachel yung maputi na cute? Si Elaine yung matangkad na sexy? si Hershey yung rider na astig? Si Marjory yung mukang british? Si Trailyn na maliit pero cute? Si Danica na morena ang beauty? o si Jessa na Nerdy pero malaki ang pwet? ah! alam ko na si Nookie yung maganda tapos nag woworship! hmm baka si frescian sobrang hinhin nun noh? kamusta na kaya yung mga tropa ko nung highschool?"

"Namimiss ko na din ang yung buhay highschool"

"Lalo naman ako no! Kamusta na kaya yung mga yun ano? sana magkita kita kami ulit gagawan ko pa sila ng story sa wattpad eh haha mukang ako ang huling makakatapos saamin saka malalayo na ang mga narating nila...ah teka teka iniiba mo na ang usapan eh! sino nga kasi?"

Searching the Casanova's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon