Chapter 3: Arrange Marriage

211 4 5
                                    

               Ang yabang ng crown prince na to! akala niya ba hindi ko kaya ang pinagagawa niya? pwes nag kakamali siya! kahit labag na labag na labag sa kalooban ko kumuha ko ng timba na may tubig at sinabon ang mga sasakyan niya pati ba naman mga combo kailangan kasama pa! layunin niya bang pahirapan ako? so ito pala ang crown prince! aalipinin niya ang lahat ng nasasakupan niya! kung nandito lang si Mark ipagtatanggol niya ko :(

"Ayan! banlaw na! tapos na!" agad na sinabi ko pagkatapos ko. Tumayo siya at lumapit sa sasakyan.

"Labas lang ang nilinis mo ni hindi ko nga nakitang nilinis mo ang loob" sagot niya.

"Aba! magkalinawan nga tayo..ang trabaho ko ay sa restauarant lang! at hindi kasali doon ang pag lilinis ng sasakyan ninyo your highness!"

"Ganun ba? pwes kasama na yun ngayon...isa pa tatambay ka nalang din sa parking lot edi imbis na tumambay ka linisin mo nalang ang kotse ko"

             Napakalalim ng hininga ko nagtitimpi lang talaga ako sa lalaking to! kinuha niya ang wallet niya at tila kumuha ng pera hmm anung palabas nanaman ang gagawin ng kumag na to?

"Oh ayan tip ko sayo...sa susunod pati yun loob lilinisin mo!" tatanggapin ko ba???? sayang din...

O__O ???????

"Ano ayaw mo ba? o baka kulang pa? Nakakaawa ka naman kasi."

"Hindi na...okay na to salamat ha!" agad kong kinuha sa kanya ang 50 dollars nakakapanliit pero sa bagay mababayadan ko na yung pera kay tita Ellyn pero ayaw ko munang ibigay ng buo sa kanya siguro pauti uti muna alam kong pag iinitan niya ko pag nalaman may pera na ko at tila malaking halaga na ito, barya lang sa kumag na to.

              Sumakay na siya sa kotse niya at ng makaalis sila may naramdaman akong hindi maganda sa sarili ko...hindi ko alam pero parang nanliit ako at tila tinulis na kandila sa kinalulugaran ko...naiinis ako sa kanya...ang yabang niya!

"Setong..."

"Jeo....umuwi na tayo"

"A-ayos ka lang ba? pasensiya na hindi kita natulungan..." sabi ni Jeo

"Okay lang yun atlis makakabayad din ako kay tita Ellyn" sagot ko.

"Setong!!! Setong!!" tinatawag ako ni Ayah.

"Oh Ayah may problema ba?"

"Ah...gusto ko lang alamin kung ayos ka lang...a-anong pinagawa sayo ng crown prince?"

"Ayun pinalinis lang naman saakin yung kotse niya! bakit ba ang yabang nun!"

"Pagpasensiyahan mo na...wala naman tayong magagawa" tugon ni Ayah.

"Anung wala! bilang mamamayan ng bansa gagawa ako ng paraan para hindi siya ang maghari sa bansang ito! hindi ako papayag na alipinin niya ang lahat ng tao sa bansang ito ano!" sampit ko.

"Wow ha! sige nga ipaliwanag mo kung paano mo mapapatalsik ang isang napaka bigat na tao" sabat ni Jeo.

"Panira ka! ay nga pala siya si Ayah...katrabaho ko, Ayah si Jeo kaibigan ko nga pala" pagpapakilala ko.

"Hi..." mahinang bati ni Ayah.

"Hellow...ah pasensiya ka na dito kay Setong! wag mo na pansinin yung mga sinasabi niyan mga wala naman katuturan" pangaasar ni Jeo.

"Anong wala? palibhasa kasi takot ka sa crown prince! bakit tao lang din naman siya ah!" sagot ko.

"Ah...alam mo Setong isa ka sa mga taong maswerteng nakakakita sa kanya...madalang lumabas ang crown prince...bali-balita kapag na koronahan na siya saka palang siya lalantad sa lahat pero ayon sa mga usap usapin hindi naman siya ang panganay na anak ng mahal na hari" wika ni Ayah.

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now