Chapter 35: Notes....

120 2 0
                                    

 

(A/N): yung piano piece ni Khyle I'll be there and canon rock hahaha sa mga gustong pakinggan just click the video at the side hehehe salamat po ^__^

Unknown POV:

         Habang tumutugtog si Prinsipe Jharo ay lihim na lumuluha ang reyna sa isang sulok sa di kalayuan kung saan tanaw na tanaw niya ang anak...hindi siya makapaniwala na si Jharo mismo ang gumagawa ng tunog na yun.

"Kahit ako ay hindi din po makapaniwala" biglang sulpot ng mayordomo.

"Ano ang nag udyok kay Jharo na buhayin muli ang musika ng kanyang kapatid" sagot ng reyna at dahan dahan pinahid ang kanyang luha.

"Kataka taka na nga talaga...nang marinig ko ang pamilyar na tunog na yan ay kaagad po akong nag tungo dito at hindi ko inaasahang si Prinsipe Jharo ang lumilikha ng musikang yun"

"Hindi ako makapaniwala saaking mga nakikita at nadidinig...marahil tama ka nga"

"Hindi po ba't simula ng mawala si master Jeremy ay pinatakpan ni prinsipe Jharo ang pianong yan ng puting tela at ayaw na ayaw niyang marinig ang tunog niyan? kaya nga po hindi siya nagpaturo sa mahal na hari kung paano tugtugin ang bagay na yan dahil bata pa lamang siya ay takot na siya sa musika na nililikha ng piano"

"Hindi kaya...tinuruan siya ni Jeremy?" usisa ng reyna.

"Maaari din ...marahil hindi madalas lumabas ng silid at ayaw makisalamuha ni prinsipe Jharo sa mga tao kaya marami tayong bagay na hindi nakikita at hindi nalalaman tugkol sa kanya"

"Ang pagkakaalam ko talaga ay hindi interesado si Jharo sa musika...kabaliktaran siya ni Jeremy...impossible"

"Gaya nga po ng sinabi ko...marami pa po tayong hindi nalalaman tungkol sa prinsipe...pero kahit ako man ay hindi maalis ang pagtataka saaking damdamin...ang piyesang yun ay tanging si master Jeremy lang ang may alam...posible nga naman ituro niya ito kay Jharo pero kailan pa?"

"Dahil sa ginawa ni Jharo...hindi ko maiwasan wag maalala si Jeremy" muling pinahid ng mahal na reyna ang kanyang mga luha.

"Ikinalulungkot ko" tugon ng mayordomo at maya maya huminto ang prinsipe sa pagtugtog, nakita nilang nakikipag usap ito kay Setong.

"Ang babaeng yun...anung ginagawa niya dito?" usisa ng reyna.

"Ah sa pagkakaalam ko po ay personal assistant siya ni prinsipe Jharo" sagot ng mayordomo.

"Hindi ba't sinabihan ko na si Jharo na humanap na ng bagong PA! ayaw ko sa babaeng yan!"sampit ng reyna.

"Dahil po ba kamukang kamuka niya ang dating karelasyon ni master Jeremy?"

"Wag mo ng ipapaalala ang babaeng yun! kung di dahil sa kanya hindi malalagay sa bingit ng kamatayan ang aking anak!" agad na bumaba at tumungo ang reyna sa kinaroroonan nila Jharo at Setong.

-----------------------

"Anong ginagawa mo dito?" bungad saakin ng reyna O__O hala! baka narinig niya ang pang blo-block mail ko kay Jharo nako po!

"Ah...mahal na reyna..." paano ko ba to ipapaliwanag.....

"Jharo...hindi ba't sinabi ko na sayo na humanap ka na ng bagong PA! anong ginagawa ng babaeng to dito sa pamamahay ko!"

"Kasi po..." magpapaliwanag palang sana si Jharo kaso cut off na siya sa reyna.

"Kung hindi mo siya sesesantihin pwes ako ang gagawa at ako na mismo ang hahanap ng kapalit niya"

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now