Chapter 30: The Beginning ^__^

120 2 4
                                    

        "Kuya! uwi na tayo" sabi ni Ilayda...agad kaming naglayo ni Khyle at inayos ko ang sarili ko. Tama pagabi na kailangan na namin umuwi.

"Ah...Oo, tara na pagabi na oh" sabi ko.

"Ache hatid mo kami?" pakiusap ni Lilo.

"Ah...Oo naman sige"

"Malapit ka lang dito hindi ba? next time na lang tayo ihahatid ng ate Setong niyo" sabi ni Khyle.

"Kuya! sige na!" pangungulit ni Ilayda.

"Okay sige...wala naman problema yun isang jeep lang naman papaunta sa inyo eh...tara" magiliw na sabi ko...iisipin ko nalang na walang malisya ang lahat...wala wala!!

            Hinatid ko sila...nakakatuwa dahil parang hindi naman napagod sa paglalaro maghapon si Lilo at Ilayda at nangungulit parin sila hanggang sa makarating kami sa kanila...pansin ko parang ang tahimik ni Khyle...ano kayang iniisip niya? yung kanina pa din ba??

"Salamat sa paghatid ate Setong...oh kuya! ikaw na bahala kay ate! basta pag wala ng jeep sa terminal iuwi mo na siya dito...dito mo na siya patulugin" sabi ni Ilayda

"Kung pwede nga lang...kaso masyado pang maaga para maubusan ng jeep sa terminal...hindi pa last trip"

"Ah...sige alis na ko...salamat sa inyo" sabi ko.

"Ingat ate"

"Salamat" nagumpisa na kong maglakad.

"Ilayda...susundan ko si Setong...diyan lang kayo ha"

"Opo Kuya"

"Setong!!!!" sinundan ako ni Khyle hayss kulit talaga...binilisan ko ang lakad pero naabutan niya ko... hinila niya ko at napaharap ako sa kanya at.....

O_________O!!!!! hinalikan niya ko bigla...


Mark...sorry...hindi ko naman sinasadya....hindi ko naman ginusto to promise!!!!! pilit kong tinutulak si Khyle pero niyakap niya ko ng sobrang higpit....hindi ako makaalpas sa kanya...hinayaan ko nalang siya...andun na...may magagawa pa ba ko???

"Kung si Mark pa din ang mahal mo...hindi ko pipilitin na mahalin mo na ko ngayon...maghihintay ako hanggang sa ako naman ang mahalin mo...pangako kaya kong higitan ang pagmamahal niya sayo"  napaluha nanaman ako...

"Khyle...maraming salamat" niyakap ko siya.

"Celestine..."

"Ano yun?"

"Mangako ka...bukod kay Mark ako lang ang mamahalin mo ha?"

"Kailangan ko ba talagang ipangako?" napangiti ako.

"Oo...ayaw ko kasing mapunta ka sa iba! sayang naman yung paghihintay ko diba?"

"Sino ba kasing may sabing maghintay ka"

"Oh di sige...hindi ako maghihintay kasi mula sa araw na ito tayo na!"

"O___O??? tayo nah??? hindi pa kita pinapayagan manligaw at lalung hindi pa kita sinasagot"

"Mamili ka? maghihintay ako o tayo na?"

"Ewan ko sayo" naglakad na ko at hanggang sa terminal nangungulit pa din siya...nakakatuwa talaga si Khyle...

"Celestine! ano ba!"

"Oo na sige na!"

"Sinasagot mo na ko????" abot tenga ang ngiti ng mokong na toh!

"Hindi! Oo kasi pumapayag na ko na manligaw ka...hanggang dun lang muna sa ngayon"

"Salamat Setong!" niyakap niya ko.

Searching the Casanova's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon