Chapter 49: Secrets

80 3 2
                                    

           Talagang binabagabag ako ng konsensiya ko...nagsasabing kailangan ko ng bumalik sa kung ano naman talaga ako....tama! babalik na ko saamin sasbihin ko na ang lahat wala na kong pakialam kung anong iisipin ng lahat...bahala na...

"Mahal na Prinsipe saan po ba tayo pupunta?" tanung ng driver hindi ko na sinama ang mausisang mayordomo, pinagpark ko siya uli sa fast foods sa bungad ng palengke nakabonet at nakasalamin naman ako kaya hindi ako makikilala

"Basta ihinto mo na dito saglit lang ako" sabi ko at lumabas kaagad sa kotse.

      Takbo doon...takbo dito kailangan makauwi na ko saamin yun ang tumatakbo sa isipan ko...miss na miss ko na ang pamilya ko...ang mga kapatid ko at ang prinsesa ng buhay ko....natatakot ako sa posibleng madadatnan ko...kamusta na kaya sila? sana makita ko pa ang pamilya ko.

"K-Kuya????" kumataok ako at isang nakakagulat na reaksyon ang bumungad saakin mula sa mga kapatid ko. O___O!!!!

"B-Bakit ganyan ang reaksyon niyo?" niyakap ko sila ng sobrang higpit.

"Kuya? anong ginagawa mo dito? naihatid mo na ba si Ate Setong?" tanung ni Ilayda

"chuya, ang bilis mo naman kakaalis niyo lang diba?"dagdag ni Lilo

"Umalis?si Setong? nasaan siya?"

"Kuya? hinatid mo siya sa terminal ng bus kanina ah? ang alam ko bibisitahin ni Ate Setong ang mama niya diba gusto mo na magkaayus sila? saka parang hindi naman ito ang suot mo kanina pag alis mo Kuya Khyle?"sabi ni Ilayda

"Ilayda...Lilo okay lang ba kayo? maayos ba kayo dito? nakakakain ba kayo ng maayos?"

"Oo naman kuya! isa pa hindi mo kami pababayaan at si Ate Setong di ba? ang weird mo bakit ka nagtatanung ng ganyan"

"Saka na ko magpapaliwanag Ilayda" sabi ko.

"Teka Kuya! bakit kulay Dilaw ang buhok mo?" O___O!!!!nakabonet na ko pero napansin pa din ni Ilayda hala!!!!

"Ah...sabi ko nga saka na ako magpapaliwanag...aalis na muna ko babalikan ko kaya pangako yan" kumaripas ako ng takbo patungo sa terminal ng bus...kailangan makausap ko si Setong! kailangan maabutan ko siya! kailangan masabi ko na sakanya ang lahat lahat!

-----------------------

            Hinatid ako ni khyle sa terminal ng bus patungo kila mama....huminga ko ng malalim kinakabahan ako baka kasi galit pa din saakin ang aking ina...

"Setong..sa susunod isama mo ko ha?"

"Oo naman....ipapakilala kita kay Mama"

"Sana magustuhan niya ko para sayo"

"Eh kung hindi man ipaglalaban kita at ganun ka din naman hindi ba?"

"Madadaan naman siguro yun sa maayos na usapan ayoko naman na maulit pa saatin ang nangyari noon sa inyo ni Mark"

"Salamat Khyle" hinalikan niya ko at sumakay na ko sa bus.

"Magiingat ka Setong"

"Oo, ikaw din salamat Khyle!" nagumpisa ng umandar ang bus at tanaw ko pa din na hindi pa umaalis si Khyle.

Searching the Casanova's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon