Chapter 68: Realization

47 1 0
                                    



               Hindi ko akalaing buhay si kuya Jeremy at siya ngayon ang nasa katauhan ni Khyle....kaya naman pala nahulog muli sa kanya ang puso ng babaeng aking iniibig...hindi ko akalaing nasabi ko ang mga katagang yun kay kuya Jeremy "....marahil swerte ka sapagkat sa mahabang panahon na nawala ang aking kapatid ay sayo niya muling ipinagkatiwala ang kanyang puso at hindi saakin....pero sa oras na saktan mo ang babaeng ito ay hindi ako mag dadalawang isip kitilin ang iyong buhay!....Hihintayin kong mauntog sa katotohanan si Setong upang maisip niya na ako ang karapat dapat niyang mahalin."

                    Yoon ang mga salitang aking tinuran saaking kapatid...pero bakit kasi iisang babae pa ang aming iniibig ngayong batid ko na ang lahat lahat? Hindi ko kayang magalit saaking kapatid kay tagal kong inantay ang kanyang pagbabalik ngunit hindi sa ganitong sitwasyon...napakatagal siyang nawalay saakin at isang pangit na pagkikita pa ang naganap...kung tutuusin ako nga talaga ang nang agaw ng trono at hindi siya...pumunta ko sa balkonahe at nagulat ako ng makita ko siya doon.


"Ikaw pala yan Jharo..."napansin niya ako kaagad.

"Anong ginagawa mo? Mag pahinga ka na kailangan gumaling ng mga sugat mo"sagot ko.

"Maraming salamat nga pala mahal na Hari...isang katapangan ang iyong ipinakita utang ko sayo ang buong buhay ko"

"Hindi pa ba sapat na pinasalamatan mo ko kanina"

"Pormal na pasasalamat ang ginagawa ko ngayon....gusto ko din sanang humingi ng tawad" sabi niya.

"Tawad?"

"Kapatawaran sa lahat ng aking sinabi sa inyong harapan kanina...hindi ko yun dapat ginawa"

"Tama naman ang lahat ng iyong sinabi...wala akong nakikitang mali doon sadyang tunay na ayaw ko ng bumalik sa palasyo ng mga oras na gusto mong magkita tayo kaya hindi kita sinipot dahil napamahal na saakin ang mga bata at ang babaeng iniibig mo...ayaw ko ng maging hari isa pa hindi naman talaga ako ang dapat maging Hari"

"Bagay sayo..."

"Ano?"

"Bagay sayo ang pagiging Hari....naisip ko na hindi ako dapat magalit...hindi ako galit kung nahulog na kay Setong ang kalooban mo kahit sinong lalaki ay mahuhulog sa kabutihan niya kung ikaw man ang kanyang ibigin ay higit na mas maganda sapagkat isa kang Hari at hindi sasama ang aking loob kapag ngyari yun"

"Ikaw ang gusto niya at kahit kailan hindi kita kayang pantayan"

"Hindi mo naman ako kailangan pantayan ngayong ako'y iyong nahigitan na....masaya ako dahil ikaw na ngayon ang Hari" hindi ko na mapigilan ang aking sarili at kaagad ko siyang niyakap....sobrang higpit kay tagal kitang inantay miss na miss na kita kuya Jeremy....sobrang saya ko ngayong nagbalik ka na.

"Patawad din saaking mga tinuran"

"Wala kang dapat ihingi ng tawad kamahalan"


"Salamat...maraming salamat" sabi ko.

"Bakit ka saakin nag papasalamat?"

"Dahil ngayon nararamdaman kong hindi na ako nag iisa"

"Patawad...pinapangako ko na hindi ka na muling mag iisa mahal na Hari."


KHYLE's POV: Ngayon ko lang ulit nayakap ang aking kapatid...kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito....nais kong humingi ng tawad sa matagal naming pagkakawalay pero hindi ko kayang ipagtapat sa kanya na ako at ang kanyang kuya Jeremy ay iisa sapagkat natatakot ako na baka magalit siya at ako ay kanyang kamuhian.

Searching the Casanova's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon