Simula

361K 6.1K 2.5K
                                    

WARNING (!) THIS STORY CONTAINS MANY ERRORS, TYPOS AND LOOPHOLES. DO NOT READ IF YOU ARE A PERFECTIONIST. YOU ARE BEING WARNED.

To be edited.

-

Simula

"Ma'am, pinapatawag ho kayo ni Ser sa opisina!"

"'Ma'am, kapag hindi pa raw po kayo pumunta ay siya ang magpupunta sa silid ninyo."

Pupungas pungas na idinilat ko ang aking mga mata, binato ko ang aking unan at saka mabilis na tumayo kahit sobrang sakit ng ulo ko.

"Susunod na! Bullshit, ang ingay!" I yelled.

Padabog na binuksan ko ang pintuan, naabutan ko pang nanlalaki ang mga mata ng aming maid.

"Ma- ma'am, pinapatawag kayo ni Ser..."

"Am I a deaf? Kanina ka pa sigaw at panay katok sa kwarto ko, malamang narinig ko!"

Sinamaan ko siya ng tingin at iyon natakot, mabilis na bumaba ng grand staircase.

Geez! Napakasakit ng ulo ko, I can see my world shaking but still I need to deal with the anger of my father. Ugh! I saw this coming, hindi na ako magtataka pa.

Lulugo-lugo akong huminga ng malalim at saka pinihit ang door knob ng opisina ni Daddy. I saw him on the phone, talking to God knows who's the bitch.

"Alright, yes. The deal is still open for business... Uhuh, I see..."

Tumikhim ako.

Gusto kong mapairap dahil sa bwisit, ipapatawag niya ako tapos hindi naman pala kakausapin agad? Mas importante ba ang kausap niya sa tulog ko?

Napatingin agad siya sa akin, galit ang bumalot sa kanyang mukha.

"See you in Taiwan. Have a good day, Misis Dee." doon niya tinapos ang walang kwentang tawag.

Misis Dee, my ass! If I know, he was talking with some of his bitches!

I swallowed hard and raised my eyebrow, dumiretso na ako papasok at umupo sa couch na nasa harapan ng kanyang office table.

"What did you do again, this time?" his voice is shaking in anger.

I couldn't help but rolled my eyes. Humampas siya ng malakas sa table dahilan kung bakit mapahugot ako ng malalim na hininga.

Seriously? Highblood na siya, dapat mag-ingat ingat siya at baka atakihin siya noon.

"Hindi mo alam? Imposible!" sabi ko. "Syempre, nauna na iyong mga tsismis kaysa sa pagtatanong mo sa akin ngayon."

He gritted his teeth in so much anger, he was glaring at me. If glare can kill? I will be dead on the spot, inside this annoying office! Huwag naman sana dito, gusto ko ng maayos na spot.

"You, little- ugh!" suminghap siya at pinigilan ang makapagsalita ng masama. "What have I done to deserve this kind of shame? Pinag-aaral kitang mabuti, pero anong ginagawa mo? Inuubos mo sa walang kwentang pagbabar! Pag-iinom! Anong klase ka!?"

Napapairap ako sa isip, bawat sinasabi niya ay lalong nakakahilo dahil paulit ulit lang naman. Walang kakwenta-kwenta, hindi na natapos!

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon