Kabanata 49

96.5K 2.8K 674
                                    

Sobrang thank you. One last chapter.

Kabanata 49

Beads of sweat on my forehead while cooking, lahat ng kailangan ilagay sa kawali ay inuutos lamang ni Lota sa akin. Umuuwi ako ng mansyon tuwing wala si Reidjan, magkasama sila ni Ten ngayon sa isang seminar sa Laguna.

"Miss, para saan ba at nag-aaral ka pang magluto? Ang sabi ni Sir Reid ay hindi mo na kailangan 'yan."

Napairap ako sa hangin. Hinalo ko ang mga rekados roon, may patatas, bell pepper, carrots, beans sa tomato sauce. Nakita ko ang pagkulo noon.

"Hindi naman pwede 'yon, Lota. Dapat alam ko rin ang ganitong gawain."

"Bakit, Miss? May balak na ba kayong magsama sa iisang bubong?"

Suminghap ako sa tanong niya. Wala sa sariling nagkibit ako ng balikat at napanguso.

"W-Wala pa naman, isang taon pa siguro para graduate na ako. Siya kasi ay may isang taon pang tatapusin, balak ko kapag graduate na rin niya para maayos na at walang magiging problema."

Kumunot ang noo niya, nagpupunas siya ng isang bowl na paglalagyan namin ng afritada pagkatapos.

"Nyek! E, mayaman naman ang kanilang pamilya! Kung sakaling magkakasama kayo ni Sir ay paniguradong meron kang sariling katulong at cook!"

Ngumiwi ako, tinusok ko ng tinidor ang isang patatas roon para malaman kung malambot na. Si Lota lang pala ang kailangan ko para matuto, kailangan talagang may kahit isang nag-uutos kung ano ang mga gagawin sa pagluluto.

Bukas pancake naman ang ipapaturo ko, para kahit papaano ay alam ko na maghanda ng umagahan. Afritada ang isa pang paborito ni Reidjan, tuwing kumakain kami sa Granny's cuisine ay iyon ang kanyang inoorder kaya ito na rin ang napili kong pag-aralang lutuin.

"Hindi ganoon iyon, Lota. Bakit ikaw noong mag-asawa ka ba wala kang alam sa gawain bahay? Hindi ka marunong magluto?"

Ngumuso siya at tila nag-isip.

"Magkaiba po kasi tayo ng katayuan sa buhay, Miss. Kung ako ay nasa katayuan mo baka pipiliin ko na rin ang maging Ma'am. Hindi ako mahihirapan sa gawain. Pero kung sabagay, Miss. Tama naman din, syempre dagdag puntos iyan sa kanyang magulang."

Namilog ang mga mata ko at nakangiting tumingin sa kanya.

"Talaga? So, you need to teach me any other dishes para marami akong alam. I can cook for them, sana ay magustuhan nila kung sakali."

She nodded and smiled.

"Opkors, Miss Zhera. Naalala ko tuloy 'yong dating pinagsisilbihan ko. Ganyan rin siya simula noong magkanobyo. Nagpapaturo sa akin magluto."

My forehead creased. "Kanino ka ba dati nagsisilbi? So, she learned? Nagustuhan ba siya lalo ng kanyang boyfriend?"

Kinuha niya sa akin ang panghalo at nilagay na sa sink, she nodded and grinned. Abala na siya ngayon sa pagsasalin ng afritada sa bowl.

"Sa mga Grande ako noon, Miss. Iyong bunso at nag-iisang babae na si Prescilla, may nobyo siyang gwapo at magaling ring magluto pero naging paborito niya iyong luto ni Prescilla." humagikgik siya at pinunasan ng tissue ang mga lumagpas na sauce sa bunganga ng mangkok.

Grande? Wow! Nagsilbi siya sa mga Grande?

"Talaga? Ikaw ba ang cook nila? Sinong nobyo niya? Mas gwapo pa kay Reidjan?" biro ko.

She's a Grande, so I guess her boyfriend is decent and handsome! Baka kagaya rin ni Reidjan ng katayuan sa buhay. I wonder if it's a Saavedra? Nabalitaan ko na kasi iyon dati pero dahil hindi naman ako tsismosang tao ay hindi ko pinagtuonan ng pansin.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon