Kabanata 50

131K 3.6K 1.1K
                                    

Thank you for reading this story, thank you for the comments, compliments, votes and appreciating my not so perfect work. Sorry for the mistakes, errors and waley updates. I was just started writing last year and I can't be like your favorite author so don't expect. Hehe.

Thank you for motivating me to write more and improve myself. Hope you continue reading my other works. I will improve my writing to satisfy you. This is my final imagination, haha. Final chapter.

Kabanata 50


Pinagmasdan ko ang maaliwalas na front yard ng aming mansyon. Bukas ang aming graduation at dito ko nais imbitahin ang aking mga kaibigan at kaklase pagkatapos ng graduation bukas.

I feel so proud of myself. Hindi ko malaman kung iiyak ba ako sa galak dahil sa mga tinatamasa ko ngayon. I will graduate for real, with no low grades. Salamat sa lahat ng nakatulong sa akin.

Hindi ko inaasahan na makakamit ko ito dahil sa mga nagawa ko noong kalokohan at bulakbol pa ako sa klase. Ang sarap pala sa pakiramdam na makakamit mo ang pangarap mong diploma.

Masarap sa pakiramdam na proud sa akin ang Daddy ko at si Ate... bahagya akong nakaramdam ng kirot sa puso, I wish my Mom will see me tomorrow. Will see my achievement. Will see me wearing black toga and holding a diploma.

Pero paano? Paano kung ayaw niya namang magpakita? Nasasaktan ako, sana pala hindi ko inuna ang galit ko sa kanya. Sana hinanap ko na lang siya sa Japan para magmakaawa na bumalik sa amin.

But then, I can't make her. Siguro'y dapat inimbita ko na lang siya sa araw na ito. Sa espesyal na araw ko ngayon. I guess she wouldn't say no? Anak pa rin niya ako.

My phone beeped. Binasa ko agad iyon sa pag aakalang si Reidjan. Unknown pala iyon.

Unknown:

Congratulations, Alzhera. I am missing you so much, I'm sorry for everything. Can we talk? Maghihintay ako sa dating lugar. Take care. -RS.

My heart thumped. Nahigit ko ang aking paghinga habang paulit-ulit na binabasa ang kanyang mensahe. Hindi ko na kailangan pang tanungin kung sino dahil alam ko na agad. Magmula sa format at sa nilagay niyang initials.

Hindi ko alam kung bakit wala akong maramdamang kakaiba kundi kasiyahan lang. Kinakabahan ako pero hindi noon maaalis sa akin ang pagiging kuntento. Pakiramdam ko ay meron lang akong isang kaibigan na gustong makipag-usap.

May masama ba kung pagbibigyan ko?

Dumaan ang ilang oras na hindi ako makagawa ng sariling desisyon. I want to tell Reidjan about it but... I think it is right to talk to him. Para rin lumuwag ang aking pakiramdam sa lahat-lahat.

Reitius is a good man. We're cousins... noon, ayaw kong tanggapin iyon dahil mahal ko siya pero ngayon ay walang halong pagdadalawang isip na tanggap ko ang lahat ng nangyari sa amin.

Lahat ng pagsubok na dumating at sumubok sa amin ay tanggap ko ng buong puso. Without challenges, life would be boring and that challenges I've had made me stronger. Sa lahat ng kasalanang pinagsisisihan ko ngayon, kasama rin iyon sa nagpatatag sa akin.

God makes challenges for you to be strong. Hindi naman siya gagawa ng mga pagsubok na hindi kakayanin, kung tapos na ang pagsubok, tapos na ang misyon mo sa mundo.

Huminga ako ng malalim, pagkababa ko palang ng kotse ay humampas na ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat. Maluwag ang pakiramdam ko na hindi maipaliwanag.

Ilang hakbang pa patungo sa sea wall ay natanaw ko na si Reitius. Naalala kong dito ako noon nakipagkita sa kanya para makipagbalikan, para ayusin ulit ang aming relasyon. Nostalgic.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon