Kabanata 45

96.1K 2.6K 447
                                    


Kabanata 45



"Uy! Tara na!" hila sa akin ni Erah.

Sumimangot ako at hindi na umangal. Kaklase ko sila ni Aly ngayong huling taon namin sa kolehiyo, we're all taking Business kaya talagang magiging magkaklase kami kung kailan. Natapos ko ang aking third year dito sa Maynila.

Years have passed, and I am still happy with my life. Masaya ako dahil marami din akong mga naging kaibigan sa taong iyon at ngayon, hindi ko alam kung paanong bumaliktad ang mundo at may mga nakikipagkaibigan na sa akin ulit.

Well, some things will really change. Lalo na sa aking paligid at sa akin, mahirap man sabihin pero noon ay pinipili ko talaga ang mga kakaibiganin pero ngayon ay hindi ko na makita ang mga standards ko tungkol sa kakaibiganin o makakasalamuha sa paligid.

Maraming nangyari sa loob ng mga taon, kasama na roon ang mga pag-aaway, kalungkutan at syempre ang kasiyahan ang nangingibabaw. It's normal to fight over things, but at the end of the day he won't let it go too far.

Ngumisi ako habang nagsusubok magluto sa kusina, ito na ang time para naman matuto akong mag-isa at hindi na bumibili pa sa labas ng kakainin.

Kahapon lamang ako naglipat ng iilang mga damit at gamit na kailangan sa araw-araw dito sa condo malapit sa Elite University. Fest towers, pagmamay-ari ng kapatid ni Matrix.

I mixed the ingredients in the bowl, mag uumpisa muna ako sa simpleng pancake since mag-uumagahan pa lang naman ako ngayon. I don't have classes today kaya dito lang muna ako para mag-aral magluto.

Ngumuso ako at itinali ang aking buhok para mawalan ng sagabal, ramdam ko ang init sa aking leeg dahil nakaharap ako sa mainit na stove. I put an exact amount of mixed ingredients in the hot pan.

Gosh!

Dito palang ay nahihirapan na ako, hindi ko alam kung paanong babaliktarin o kung paanong malalaman kung sunog na ito. Kinuha ko iyon ng spatula at nakita kong nadurog iyon, sa kainisan ko ay hinalo ko na lang iyon.

Nakakalimang attempt na ako pero ganoon pa rin ang kinakalabasan, iyong huli ay sunog pa. Umamoy iyon sa buong area kaya bumagsak ang balikat ko nang ihanda iyon sa lamesa.

Kahit namang anong itsura noon ay nakakain pa rin at ganoon pa rin ang lasa, lasang pancake pa rin!

I heard the door handle clicked, mabilis ang kilos kong itinabi ang pancake na sunog at durog. Tinakpan ko agad iyon ng isa pang plato para hindi halata.

"Baby?" Reidjan's soft voice called out.

Kahit pawisan ay tumakbo ako palabas ng maliit na kusina para puntahan siya, I saw him loosening his tie. He looked sleepy, he yawned.

"Baby!" I greeted, kinakabahan at hilaw iyon. Natanto ko na medyo amoy rin dito ang pancake.

He looked at me and smiled.

"Morning,"

May paper bag siyang dala sa kabilang kamay at lumapit nang makita ako. Kumunot ang noo niya at pinahiran ang iilang butil ng pawis sa aking noo.

Ngumiti ako. "Saan ka galing?"

"You cooked?" he asked, puzzled. Hindi pinansin ang tanong ko.

My heart thumped in embarassment. Nagtiim bagang ako at umiling, hilaw na natawa ako.

"Nope,"

Bumaba ang tingin niya sa aking katawan, I just now realized that I'm still wearing apron! Damn it! This is really embarassing!

Napapikit ako ng mariin nang lagpasan niya ako para dumiretso sa dining area, sinundan ko agad siya. He put the paper bag on the table, halos malagutan ako ng hininga nang buksan niya ang nakatakip na plato roon sa lamesa.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon