Kabanata 46

91.7K 2.4K 635
                                    


Kabanata 46


"Tss, wala ka pa bang balak magkaanak?" Radjine asked straightforwardly. "I want a niece!"

Namilog ang mga mata ko. Panay ang pamimili niya ng dress na nakasabit, ako naman ay napahinto na sa pamimili dahil sa kanyang demand.

"Baliw ka ba?" I hissed. "Hindi pa nga kami nakakatapos ng pag-aaral! Magtigil ka sa mga katanungang ganyan."

Damn, I can't even imagine myself having a baby bump! Or being pregnant, hindi ko maimagine dahil wala pa naman talaga sa isip ko ang magbuntis. I am always safe, para sigurado ako. Alam kong hindi ako mabubuntis pa.

She frowned.

"Who cares about your graduation? You can stop studying anytime, Reidjan will provide everything in the future."

What? I can't believe her!

"Radjine." I called, nawawalan ng pasensya. "Maling mali ang mga pinagsasabi mo, hindi iyan ang habol ko sa pamilya ninyo. I want to have my own degree. Kung kami naman ni Reidjan ay kami, hindi kami magmamadali sa mga ganyang bagay."

Everytime na nag uusap kami sa ganito palagi nauuwi ang topic, kahit wala naman iyon sa naunang mga pinag uusapan namin. Hindi ko alam kung bakit madaling madali siya sa pagkakaroon ng pamangkin.

Pormal siyang bumaling sa akin. Walang bakas ng pagsisisi sa kanyang nasabi, she looks irritated now.

"Look, Zhera. Hindi ko iniinsist na ganoon ang habol mo. Okay? I know you're in love with my brother. Pero ba't kailangan pang patagalin kung pwede naman ngayon? Our Mom wants a grandchild! Tumatanda na sila,"

Suminghap ako.

"Seriously? Ginamit mo pa talaga si Tita? Naku, Radj. Magtigil ka muna sa ganyang demand dahil wala pa sa plano namin 'yan."

Umirap siya.

"Paano kung nasa plano na ni Reid?" she chuckled teasingly.

Umiling ako.

"Kung gusto mo ikaw ang mauna, tutal may nobyo ka naman na at ikaw rin ang panganay." I smirked.

Her eyes widened. Namula agad ang kanyang mga pisngi habang gulat na nakatitig sa akin, ngumuso ako at inilagay ang isang dress na napili sa aking cart na tulak-tulak.

"Seriously? Hindi ko pa boyfriend si Denver! Mahiya ka nga, Alzhera!" pormal at inis niyang banta.

Natawa ako.

"Oo nga, hindi pa! Magiging pa lang! O ano? 'Di ba? Type mo naman 'yon! Nagpapakipot ka pa!"

Suminghap siya at hinampas ang braso ko. Malakas na tumawa ako.

"Hindi ko siya type!" giit niya sa inis na tono.

I raised my eyebrow. "Type na type lang? Hindi gagana sa akin 'yang pagdedeny mo! Pero hindi din ako makapaniwala na magkakagusto ka sa isang playboy!"

I really don't! Denver Frezto is a known playboy, but he got the looks, wealth, decency and all the girls would look for! Sobrang ideal niya kung titingnan. Titingnan lang, huh? Huwag lang talagang kikilalanin.

"He was," pagtatanggol niya. "But I'm still doubting, kaya nga hindi ko pa siya ini-entertain masyado." her lips puckered a bit.

Tumawa ako.

"Come on, loosen up, Radj! Give yourself a break kahit minsan maranasan mo naman. Well, he's not bad for you. Nakilala ko na siya noong playboy, pero tingnan mo naman ngayon. Focused sayo! Walang iba!"

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon