Kabanata 14

86.5K 2.3K 272
                                    


Kabanata 14


"Ano ba? Hindi nga ako maalam sa math!"

Nagtatalo sila Giselle at Lexa tungkol sa aming assignment sa business math na hindi nila masagot-sagot, today is our first day in college. Maraming naganap sa lumipas na anim na buwan.

We all graduated from high school, iyong huling dalawang buwan namin sa fourth year ay talagang pag-aaral ang aming ginawa. Sa awa ng Diyos ay nakagraduate kami ng walang naging repeater sa amin.

Bakasyon ang apat na buwan at saka tumungtong sa real college life. Masaya naman pala talaga ang mag-aral, lalo na kapag gusto mo talaga at nasa puso mo ang pag-aaral. Katulad noong mga huling taon namin sa highschool.

Ngayon ko lang narealize iyon dahil noong mga unang taon ko sa highschool ay wala talaga akong kagustuhan sa pag-aaral, wala talaga iyon sa isip at puso ko kaya puro bagsak ang grades ko.

Reitius taught me how important the study is, siya ang dahilan kung bakit naging maayos ang aking huling naging taon sa highschool, sobrang pasasalamat ko na bumalik pa rin siya sa akin kahit nasaktan ko siya at hanggang ngayon ay kami pa rin.

Thank God I have Reitius beside me, hindi ko kakayanin ang lahat ng pagpupursigi kung hindi niya ako tinuruan na pahalagahan iyon. Dumaan pa sa point na siya ang bumagsak, masakit iyon para sa akin dahil nakikita ng mga tao na hindi ako nakakabuti sa kanya.

That I will only drag him down with me, I was a messed up girl. Everyone knows that in the past, but when I started dating Reitius? Naging maayos ako but then we broke up not because I don't really love him back then but because of my family.

Everyone thought that I just fooled him, that I was a fucked up play girl played him. Lahat noon sa akin ay nagalit dahil doon, si Reitius kasi ay maraming fan girls sa school. Dumaan pa sa point na nakakatanggap ako ng threats sa kanila.

Natatawa nalang talaga ako ngayon. Totoo pala iyong.

"Kapag mahal mo, babalikan mo. Kapag mahal ka, babalikan ka. Kapag walanh bumalik, hindi kayo meant to be."

I smiled, I sipped on my Avocado milkshake and glanced beside me.

Tumaas ang kilay ni Reitius sa akin.

Kakarating niya lang rito, after ng klase nila ay nagpunta na siya dito para samahan kami. Tapos na ang klase namin nila Lexa at wala nang susunod pa pero dahil maaga pa naman ay nagpalipas muna kami ng oras dito.

"What are you smiling at, hmm?" he sweetly asked as he snaked his arm around my waist.

Nandito kami ngayon sa isang malapit na cafe sa Elite University, katapat lang ito ng Harvard. Nitong nakaraang araw ay paborito naming tambayan ito nila Lexa, since this is the newest cafe around.

Catcher's cafe...

Iyon ang pangalang nakaburda sa itaas ng cafe, bago lang ito at may mga katabing iba pang cafe pero ngayon ay pasok talaga sa taste namin ang Catcher's dahil sa maganda ang disenyo ng loob.

Catcher's cafe is a full of book place. Bawat gilid ng table ay mga mga books. Peaceful place to stay.

May bookshelves din sa paligid nito kaya talagang nakakakuha kami ng peace of mind rito, hindi maingay ang kadalasang mga customers. Hindi katulad sa Starbucks na katabi nito.

"Wala, naalala ko lang 'yong mga nag text sa akin ng threats. Noong nagbreak tayo..." I chuckled.

Grabe iyon. May nagsabi pa sa akin na hindi daw ako makakalabas ng school ng hindi bugbog sarado, I was scared. Kahit hindi naman talaga ako lumalabas ng EU dahil sa loob palang ay naroon na ang driver namin.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon