Kabanata 16

81.9K 2.2K 274
                                    


Kabanata 16


I woke up with a heavy head, napansin ko agad ang silid na kinalalagyan ko. Ang walling ay vintage, may mga paintings na nakapalibot sa itaas ng dingding at simple lamang na purong gray ang kulay ng mga gamit.

Sobrang lawak, animo'y bahay na ito ng isang tao. Kumpleto rin ang mga kagamitan, may refrigerator at mini dining area sa kaliwa. Hindi na kailangan lumabas ng silid kung ganito.

I know this wide room, this is Radjine's room. Nag-unat ako ng aking katawan habang nakahiga sa malambot na kama ni Radjine. I stretched my arms and legs.

Pakiramdam ko hindi magiging sapat ang pahinga ng buong araw dahil sa sakit ng ulo ko, ganoon din ng katawan ko. My throat feels so dry. Parang mabibitak pa ang aking tuyong labi.

Bigla kong naalala ang nangyari last night sa bar, si Theo at si Reidjan. Ang lahat lahat ng naalala kong huling nangyari sa carpark.

Damn.

I'm fucking shy to even show my face now, hindi ko alam kung paano ako makakalabas ng mansyong ito o paano sila pakikiharapan. Iyong tipong wala dapat makakita sa akin. Lalo na sa pamilya nila Reidjan.

Kilala ko ang pamilya nila, I've been here so many times but I wasn't wasted like last night. Kaya ayos lang iyong mga nakaraang pagpunta ko rito kasama si Radj, but now? I don't know.

Kung makaharap ko man ang magulang nila ay baka palayuin pa si Radj sa akin dahil sa mga pinaggagawa ko, syempre bad influence ang tingin nila sa akin. Radjine is the Cordóva's heiress!

Maybe I won't be a good friend for her.

Tumingin agad ako sa pink wall clock na nasa itaas ng pintuan. It's 12:32 PM, shit! Nakakahiya na talga. Pero sigurado akong walang tao dito ngayon sa kanila.

Puro kasambahay lang ang narito sigurado dahil abala ang parents nila sa kanilang kumpanya, ang Daddy naman nila ay nasa ibang bansa kasama ni Radjine para maipakilala si Radjine sa kanilang mga relatives roon.

Ganoon naman talaga ang mayayamang pamilya, wala na silang oras para sa kanilang pamilya. Ni walang araw ata na nakumpleto silang lahat sa hapagkainan. Puro na sila pag aalaga sa kayamanan nila, lalo na itong pamilyang 'to.

Napanguso ako nang tingnan ko ang aking repleksyon, sino kayang nagpalit ng damit sa akin? I'm wearing a Von Dutch black shirt and a comfortable pajama. Huwag naman sana si Reidjan.

I was sure he wouldn't take advantage of me if I get drunk unlike Theonoah, but I admit that it wasn't just Theo's fault. I am at fault, also. If I didn't seduce him, hindi naman niya gagawin iyon.

Ewan ko ba, wala talaga ako sa hulog kapag nalalasing ako. Kapag naapektuhan na ng alak, mahirap ng iwasan ang lahat. Iyon ang totoo.

I breathed out, tumungo na ako sa pintuan para makalabas. Tumingin ako sa kanan at kaliwa ng hallway na malawak, ang mga dingding na dadaanan ay puro mamahaling paintings.

Huminga ako ng malalim, wala akong tsinelas na suot kaya ramdam ko ang lamig ng sahig. I need to be careful walking, I wanna go home now and I'm hoping that this mansion is really big to even maid notice me.

Makakauwi naman ako, magtataxi nalang ako pero hindi ko alam kung nasaan ang pouch ko! Wala akong maibabayad sa cab, but I have a friend in the village. Pwede naman siguro akong kumatok sa kanila at manghiram ng pera.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon