Kabanata 12

80K 2.5K 601
                                    


Kabanata 12

Maingay na nag-uusap usap ang mga kaklase ko habang pababa na kami ng bus, nagpahuli kami nila Lexa sa pagbaba dahil masyadong siksikan ang mga lalakeng kaklase na parang excited na makababa ng bus.

Nauna pa talaga sa mga babae, e!

May klase ngayon sa EU, pero kaming mga nasa advisory class ni Miss Concepcion ang excused sa klase ng dalawang araw na iyon. I didn't text Reitius that we're already here, I wanted to surprise him.

I just asked him a while ago if where he is right now, he answered he's reviewing at the back field. Kaya alam kong naroon siya ngayon, mabuti nga't dito talaga ang destinasyon namin. Dati kasi ang tour bus namin ay hinahatid pa kami sa aming mga bahay isa isa.

Siguro tinatamad na sila sa ganoong policy ngayon, syempre hassle nga naman kung maghahatid pa sa kaniya-kaniyang bahay. Hindi naman malalapit ang aming mga tinitirahan dito sa school.

Isa pa abala iyon sa ibang mga estudyante kung sakali. Besides, my classmates have drivers. Mas convenient kung ganoon na lang.

"Saan ka, Zhera?" si Lexa, nakakunot ang noo. "Akala ko sa bahay namin tayo?"

May usapan kami ngayon na doon kami manananghalian sa kanila, kaming apat. Sobrang excited nga niya dahil kanina habang nasa biyahe palang kami ay panay na ang tawag niya sa kanila para sabihin na maghanda ng pananghalian.

Tumango ako at ngumiti. I turned my head side to side, maraming estudyante ang naglalakad sa paligid ng parking area. Nakita ko pa ang ibang kaklase ni Reitius na nagtatawanan sa 'di kalayuan.

Lunch break nila, and yet he's reviewing? Did he even eat?

"Oo nga, susunod na lang-" I was cut off.

"Ugh! Seriously? Susunod? Hindi na ako naniniwala sa ganyan mo, pag nakita mo na si Ford imposibleng makasunod ka pa!" she rolled her eyes, halata ang inis sa kanya.

Nakatingin naman sa akin sila Ashley at Giselle, Ashley was just innocently looking at me while Giselle is whispering I don't understand.

Naging malapit na ang tahimik na si Ashley, so far wala talaga siyang pagbabago. Medyo naging comfortable lang siya pero tahimik pa rin siya at walang kibo kung hindi kakausapin.

I gaped. "Lexa, sandali lang 'to. Promise! Gusto mo hintayin n'yo nalang muna ako rito. I just want to see my boyfriend, besides may klase siya 'no hindi rin kami pwedeng magsama ng matagal."

Gusto ko talagang makita si Reitius, kung anong ginagawa niya ngayon. Two days straight kaming hindi nagkitang dalawa, it's normal to miss him. Lalo na't sanay ako na parati kaming nagkikita at parating nagkakasama kahit sandaling oras lang.

Lexa rolled her eyes and crossed arms on her chest. "Make sure, Zhera. Dito lang muna kami para makasiguro rin na 'di ka mang iindian."

Tumawa si Giselle, napangiti naman si Ashley. Mukhang kailangan ko na talagang madaliin na makita si Reitius, ah. I breathed in and smiled at them.

I nodded briefly. "Alright! Pupunta na ako sa field para makausap ko siya kahit saglit, sige..."

Tumakbo na ako paalis, I left my things to Lexa. Iwanan ko raw ang cellphone at bag ko sa kanya, e. Naniniguro talaga ang bruha, totoo naman ang sinasabi ko na sasaglit lang ako para makita si Reitius.

Dumaan muna ako sa cafeteria para bumili ng paborito niyang pagkain tuwing lunch break. Beef casserole with rice at 'tsaka bottled juice at bottled water. Kahit mahirap bitbitin ay kinaya ko nalang.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon