Kabanata 1

204K 4.8K 1.8K
                                    


Kabanata 1

Inis na inis ako sa buhay ko, hindi ko alam kung sa pag-alis ko ba ako mag iisip mabuti o sa kung paano iiwasang makita si Reitius.

Nakakainis lang kasi, wala pa kaming three months nagkahiwalay pero meron na siyang iba agad. Kumusta naman 'yon? Samantalang ako, heto nagmu-mukmok kung paano maka move on.

"Zhera, Reid is coming..."

Nanlaki agad ng mga mata ko at mabilis na binalingan siya. Gusto kong hampasin ng bag si Radjine dahil sa ginawa niya.

What the effin' hell? Did I tell her to ask Reid to come? Gosh.

"Radj! Ano ba? Pauwiin mo! Sabihin mo na 'di totoo ang sinabi mo at nagbibiro ka lang!" nagtatagis bagang na sinabi ko.

She rolled her eyes, she sipped on her milkshake and smiled at me.

Nakakainis din 'tong babaeng 'to, e! Hindi talaga siya nag-iisip na baka nakakaistorbo pa kami kay Reidjan, ang alam ko'y may klase iyon at nakakahiya dahil hindi ko naman talaga gusto ang plano ni Radjine.

"What's the use of telling me that? I'm already here..."

My heart jumped. Sobrang kaba ang dinarama ko, hindi ako makagalaw at hindi ko siya malingon dahil sa sobrang hiya.

Pumalakpak si Radjine at tumayo para gawaran ng halik sa pisngi ang kanyang kapatid.

"Ang tagal mo!" angal ni Radjine sabay upo sa harapan ko.

Naghila ng upuan si Reidjan sa tabi ko. "I had to skip class for this," He sighed. "So, what do we have here?"

Reidjan, wearing his Elite High uniform, white undershirt polo, dark blue vest, dark blue coat, neck tie and a slacks. It looks like he just escaped from school in the middle of the class.

Jesus, Radjine! You're really embarrassing me!

Kumunot ang kanyang noo nang mapansin akong narito pala, nakakatawa talaga. Hindi pala ako pansinin sa lagay kong 'to.

Makapal ang kanyang kilay, malamlam ang mga mata, long and thick eyelashes, high pointed nose, his perfect jaw looks like could kill thousand girls around. Darn it! He's a half Brazilian-Filipino blood. Kaya ganyan siya kagwapo.

He looked ruthlessly handsome, I prefer the mysterious but cool-sweet-gentleman Reitius Santisteban more. Probably because he was my ex-boyfriend, but yeah. Reitius is my type.

May kanya kanya naman type ang mga babae, merong gusto ng katulad ni Reid. Cold and ruthless, at meron ding gusto ang katulad ni Reitius. Mysterious but gentle.

"Alzhera..." his deep voice gave me chills.

I smiled shyly and bowed my head a bit, para sa pagbati.

I seriously cannot believe what Radjine told me about Reidjan liking me. Katiting na interes nga sa reaksyon ni Reid ngayon ay wala akong makita!

Tsaka hindi naman siguro magkakagusto si Reid sa mas matanda sa kanya ng isang taon, syempre mas gusto ng mga lalaki na kasing edad o mas bata sa kanila ang babae.

"Reid, sinabi ko naman sa'yo 'di ba?" Radjine's formality came back. "About Alzhera's problem-"

"Radjine!" impit na suway ko.

She looked at me with those chinky eyes, telling me to shut up. So, I did. Darn it!

Tumaas ang isang kilay ni Reid, halos malagutan ako ng hininga nang sulyapan niya ako.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon