Kabanata 19

74.4K 2.4K 1.7K
                                    


Kabanata 19


Nakita ko agad si Reitius paglabas ko ng main gate. Bumati pa sa akin iyong guard na nagbabantay roon, ngumiti naman ako sa kanya at saka kumaway na lang pagtapos ay tumakbo na ako patungo kay Reitius.

Kausap niya ang ibang kakilala roon at nakikipagtawanan pa siya sa mga iyon, he's really friendly. Marami siyang kakilala rito at kaibigan lalo na't vice president siya ng student council noon.

Kaya ang mga estudyante ay may respeto rin sa kanya at bumabati tuwing nakikita siya. Pagkalapit ko sa kanya ay hindi muna ako nagsalita, nakakabastos naman kasi kung bigla akong makiepal sa kanilang usapan.

"Balita ko balik banda ka na, huh?" tanong noong girlfriend ni Jazz.

Yes, I just noticed now that Jazzer's here and their familiar friends. Naalala ko pa ang kanilang mga itsura, kailan lang naman iyon 'no! Mag iisang taon palang. Karamihan dito ang mga kaibigan ni Reitius na mahilig rin sa music.

Kadalasan naman ng mga sinasamahang kaibigan niya ay puro nagbabanda at mahilig sa musika, kahit iyong mga babae. Hindi naman ako selosa noon sa mga iyon.

Hindi ko lang alam ngayon, iba kasi noon at ngayon. Dati hindi ako nagseselos dahil alam kong kaibigan lang ang turingan nila, pero ngayon ay iba na.

May nararamdaman na akong kakaiba sa mga babaeng kausap niya. Hindi ko alam kung ano iyon pero ayaw kong maisip, basta kailangan ko nalang maging aware sa circle ni Reitius ngayon.

I could sense a girl who likes him or not. Ganoon naman iyon lalo na ngayon, kailangan malakas ang pang-amoy mo sa mga babae. Hindi mo alam, kaibigan mo, inaahas ka na pala.

That's life now, doon na umiikot ang pagkakaibigan. Ahasan, plastikan at trayduran. Mabuti nalang at nakikita ko sa mga kaibigan ko na wala silang balak na maging isa sa mga ganoong klase ng kaibigan.

Lexa and Giselle? Hmm, definitely not that kind of friends. Also, Ashley. Lalong hindi siya gagawa ng ganoon, iba si Ashley. Lahat ng kilos niya ay iniisip niya muna ng ilang beses bago gawin.

Reitius smiled.

"Hindi ko pa alam, I'll tell my girlfriend about it, first..."

Gusto kong mangiti dahil doon, ilang beses ko na ba siyang nadidinig na ganito? Na kailangan niya munang magpaalam sa akin at sabihin ang tungkol sa mga bagay bago siya magdesisyon?

Damn, kakaiba pa rin talaga ang epekto noon sa akin lalo na kapag ako mismo ang nakakarinig noon mula sa kanya.

"How many girlfriends you'll tell about it?" tawa ni Gio. Kabanda niya rin noon.

Napawi ang lahat ng gaan sa puso ko dahil sa birong iyon, hindi ko alam kung anong dapat maramdaman doon. Naiinis ako, parang napakasakit lang noon marinig ngayon.

Huminga ako ng malalim at bahagyan nagtago na muna sa isang kotseng nasa likuran kong malapit. Ngayon ayaw ko muna talagang pakiharapan sila, pakiramdam ko iirapan ko ang lahat ng kausap niya ngayon.

Nagtawanan sila. Reitius just chuckled and shook his head.

"Loyal ako sa isa, Gio..." aniya.

"Who's your new girlfriend ba, Ford? Dalang kasi ng balita sa'yo ngayon, masyado kang tahimik!" maarteng tawa noong isang babae, si Pamela iyon sa pagkakatanda ko.

New girlfriend? Wow, ako lang ang girlfriend niya walang iba. Walang luma, walang bago. Dahil ako lang parehas iyon. Bwisit! Kakapikon ang tanungan sa kanya, huh!

Tumuon lamang si Reitius sa kanyang cellphone at nagtitipa roon. He smiled a bit and shook his head again.

"Wala namang bago, Pam. It's always been Alzhera..." marahan niyang sagot roon habang nasa cellphone pa rin ang atensyon.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon