Kabanata 17

77.1K 2.3K 650
                                    


Kabanata 17


"Geez! Ang hirap mag commute!"

Kumunot ang noo ko nang biglang sumulpot si Sapphire Fresnido, pawis na pawis siya at namumula ang kanyang pisngi dahil sa init. Tumayo agad si Alythea para bigyan ng upuan si Sapphire.

"Pawis na pawis ka, Sapphie! Saang lupalop ka ba nanggaling?" singhap niya pa.

"Sa bahay pa, nakakainis! Hirap ng walang kotse..." si Sapphire sa inis na tinig.

Umismid si Aly. "Dapat kasi nagsabi ka! E 'di sana nasundo ka namin, o kaya nila Jack."

She immediately wiped Sapphire's sweaty forehead, humihingal pa siya habang pinapaypayan ng kamay ang kanyang sarili. Halata ang inis sa kanya.

This Sapphire is really pretty, kahit pawisan pa siya'y mukha siyang mabango. Fresh look pa rin, nakabraid ang kanyang mahabang buhok. Maganda ang kanyang kutis, yayamanin rin talaga.

"Gosh! Baka umasim ka niyan!" halakhak ni Erah.

Sinikop ko ang mga gamit ko sa aking bag, kakatapos ko lang gumawa ng assignment. Pero mukhang walang kwenta iyon dahil late na ako at hindi na makakahabol sa klase ngayon.

My class starts at ten AM an it's eleven thirty now! Hindi na talaga ako tatanggapin ng aming propesor, sobrang late na. Napasarap kasi ang pagsama ko rito kila Erah, but unlike me they're having their break time.

"OA!" irap ni Sapphire, bahagya siyang napanguso nang lingunin ako.

Her forehead creased, sumulyap agad siya kila Alythea at Erahnsia nang hindi ako makilala at parang nagtatanong siya sa mga ito kung sino ako.

Hindi ko pa rin naman siya nameet noon kahit nakakasama ko talaga sila Erah at ang mga kaibigan niya, hindi kasi mahilig sumama si Sapphire sa mga night life nila.

Kaya talagang hindi niya ako makikilala ngayon, samantalang paratin rin naman silang magkakasama nila Erah. Iyon nga lang sa umaga lang at kapag school days.

Ngumisi si Erah at sumulyap rin sa akin pagtapos ibinalik rin kay Sapphire ang atensyon para sagutin ito.

"Si Alzhera Felipe, girl! Zhera, si Sapphire nga pala. Our friend..." she introduced. "Sama sama ka rin kasi sa amin, huh?" she rolled her eyes.

I smiled at her and nodded a bit, she smiled back but still forehead creased. Parang kinikilala niya ako pero hindi niya malaman kung saan ba o kailan.

Sumimsim ako sa aking milktea, tumuon na lamang ako sa aking cellphone para maiwasan ang kanyang pagtitig sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba akong mainsulto o ano, e.

Baka ayaw niya na kasama ako ng mga kaibigan niya?

"Xavier's?" nadinig kong bulong ni Sapphire sa naniniguradong tinig habang nakatingin na kunot ang noo kay Aly.

Aly just nodded and awkwardly smiled. So, she knows... ayaw ko na talagang maalala iyong nangyaring iyon dahil sobrang nakakahiya iyon.

May girlfriend pala talaga ang lokong si Xavier. Hindi ko talaga inasahan iyon dahil siya pa mismo ang gumawa ng way para mahalikan ako, pero kahit siya pa ang gumawa ng first move ay talagang nakakahiya ako.

Erah cleared her throat, averting the topic. I breathed out soflty and tapped my messenger app, to avoid our awkward topic.

"Ba't wala ka pala sa birthday ni Clein? Hinahanap ka kaya niya!" si Erah.

Oo nga, she wasn't there! Ang alam ko'y nagkakamabutihan sila, ah? Bakit hindi siya nagpunta sa birthday ni Clein kung ganoon? Hinahanap pa nga siya ng mga kaibigan nila roon. Siya lang ata ang wala.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon