Kabanata 41

95.2K 2.9K 580
                                    


Kabanata 41


Inayos ko ang mga gamit na dadalhin sa aming pag-alis patungong Boracay. Since Reidjan and his friends will be having their outing there, he invited my cousins to be with them. Including me.

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa aking baywang habang nagtutupi ako ng mga damit na dadalhin.

"No bikinis, please..." he said.

"What?" gulat kong tanong. "Paano ko mae-enjoy ang swimming?"

Baliw ba siya?

Ang pangit naman kung naka t-shirt ako tas lahat ng mga tao roon naka swimwears! Isa pa, kung iniintindi niya na maraming lalaki roon. Hindi lang naman ako ang babaeng magbibikini, marami pang sexy at maganda sa ganoong lugar. Hindi rin ako mapapansin ng kung sino.

"Tsss, you can swim with t-shirts and mid-length bottoms on."

My jaw dropped, tinigil ko ang pagtutupi ng damit sa aking backpack at tinitigan siya. Sumalubong ang kanyang mukhang hindi maipaliwanag sa akin.

"Hala ka! Ang pangit noon, baka ma-out of place ako sa Boracay! Bakit ba kasi?" I cupped his cheeks, nakayakap pa rin siya sa aking baywang habang tumutulis ang nguso.

"Ayaw ko nga kasi ng bikinis," he shook his head. "Huwag ka magsuot ng ganoon."

Ngumiwi ako at muling tumalikod para ayusin ang mga gamit. I laughed.

"Nagsusuot na ako ng ganoon sa Isla Verde. Ano pa ang bago sa Boracay?"

Wala naman ng bago sa pagsusuot ko noon, I was wearing bikinis everytime we would go outing. Hindi naman masama iyon, nakikita lang naman at natitingnan pero hindi naman nila makukuha ang kanilang mga makikita.

Umusod siya palapit lalo sa aking likuran, ang magkabilang hita niya ay nagkukulong sa aking sa pagitan noon. He placed his both hands on my both thighs and squeezed them softly. Napangisi ako.

"Then, stop wearing bikinis from now on." he rested his chin on my shoulder and planted a soft kisses there that tickles me.

Ngumuso ako at huminga ng malalim.

"Boracay 'yon, baby naman." malambing kong pang-uuto.

Marahang tinulak niya ako sa inis pero nanatiling nakayakap. Come on, Reidjan's childish side. So cute and adorable that I want to keep him inside my room.

"Baby naman!" he mocked. "Nang-uuto ka lang, huwag na kasi bikini! Aalisin ko ang lahat ng bikinis sa bag mo, 'wag mo akong subukan."

Humagalpak ako. I never thought he'd be this strict when it comes to clothes I'm wearing. Simula noong nakaraang linggo ay naging ganyan na siya kastrikto sa aking kasuotan.

Noong pumunta kami ng Tagaytay at Baguio ay pinag aalis niya ang shorts at sleeveless ko sa bag kaya ang ending ay balot ako sa isang linggong iyon.

Tatlong araw kami sa Tagaytay at apat na araw sa Baguio. Walang kasawaan si Lavern roon. Halos lahat ay napuntahan namin, sila Deshawn ay sobrang pagod noon, si Kienzo ay puro reklamo dahil sa kakalakad. But our whole trip and stay went well and we had so much fun there.

Masaya talaga ang maraming kasama, and especially with Reidjan, of course. Kung wala siya ay baka hindi rin ako sumaya ng sobra.

He groaned in annoyance, he pulled my waist backwards. I gasped in surprise, napatili ako nang agad niya akong ihiga sa kama at kumibabaw sa akin.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon