Kabanata 28

76.4K 2.7K 901
                                    


Kabanata 28


My mind is haywired.

Hindi ko malaman kung anong iisipin ngayon, masyado pang magulo ang isip ko sa lahat ng pakiramdam.

I don't know where should I focus, sa mga kakaibang napapansin ko ba o sa kagustuhang malaman kung totoo ba ang lahat sa pagitan namin ni Reitius.

Kaninang magkausap kami ni Radjine ay napag isip-isip kong tama siya sa lahat. Hindi ako makakaahon ngayon kung hindi ko tutulungan ang sarili ko. I will not know what's the truth when I am just here waiting for answers.

Hindi kasi ako naniniwalang magkapatid kami. Maaaring ampon siya... o ako.

"Hindi ba't magka edad kayo ni Reitius?"

Kumunot ang noo ko kay Radjine. She was brushing my hair, nakaupo kaming dalawa sa malawak na kama.

"He's one year older..." I answered.

"If you are siblings, I think it was possible. Isang taon ang tanda. Pero kapag naiisip ko ngayon ang lahat ay parang hindi pwede..."

Kumalabog ang dibdib ko. Kuryoso ko siyang tiningnan, kunot ang kanyang noo habang nakatingin kung saan na parang nag-iisip ng malalim.

"Nabuhay kang kasama ang Mommy mo, right? Paanong nangyaring wala kayong nakilalang Reitius noon? Ahleira is three years older than you, malalaman niyang may kapatid siyang lalaki kung ganoon."

Kumunot ang noo ko, my eyes went wild while thinking about that. Reitius is one year older, Ate is three years older than me. Dalawang taon naman ang tanda niya kay Reitius, hindi ko alam kung anong iisipin pero natatanga ako.

What is this? What is the truth?

Kung si Ate naunang pinanganak sa akin... si Reitius ang sumunod, paanong mangyayari iyon? Hindi tanga si Daddy para sundan pa ng isang anak, at ako iyon.

Kung may Reitius na nabuo sa ibang lalaki, posibleng maghiwalay silang dalawa noon! Knowing my father, he's not stupid to accept my mother again after giving birth to Reitius!

"It's really impossible now, this is weird, Zhera. Kung mas naunang pinanganak si Reitius, dapat ay hiwalay na ang parents mo noon at hindi ka na nag-exist pa. Don't get me wrong, but this make sense..."

Oh! Fuck!

Nanindig ang aking balahibo sa hindi maipaliwanag na dahilan, tumitig ako sa kawalan habang todo ang kabang nararamdaman.

She's damn right! I won't be existing if that was the case between my parents! Alam ko pang hindi naman gaano kamahal ni Daddy si Mommy! What more if she got pregnant by another man!

At hindi ako maniniwala kung si Daddy ang kanyang ama! Kamukha ko si Daddy! Kamukha ko si Ate Ahleira, hindi ako naniniwala na outcast o adopted ako ng mga Felipe.

"Sino ang ama niya?" singhap ni Radjine, napasapo siya sa kanyang ulo at parang miski siya'y namomroblema. "Alzhera, let's go back to Manila. Kailangan nating alamin ang lahat habang maaga,"

Natulala lamang ako. Hindi malaman ang gagawin o isasagot, masyadong kakaiba ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung anong dapat isipin. Sobrang magulo, as in.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon