Kabanata 34

86.3K 3K 1.6K
                                    


Kabanata 34


Days passed smoothly for me.

"Alam mo kasi, Cade. 'Wag mo munang alalahanin 'yang fixed marriage na 'yan, bata ka pa at matagal pa iyon." Lavern said.

"Oo nga, ikaw rin ang namomroblema masyado, e." marahang sinabi ko. "Bata ka pa para isipin ang mga ganyan, kung matutuloy man 'yon," I flinched. "Feel ko 'di naman matutuloy."

Ngumiwi silang dalawa ni Lavern, nagkatinginan pa sila na parang napaka outcast ko sa kanilang usapang mga Andrada.

"Natutuloy, uso iyon sa amin." mariing sinabi ni Cadence. "Hindi ko kilala ang mapapangasawa ko, kumusta naman iyon? Hirap na hirap na akong mag-isip kung paano makakatakas sa mga Andrada."

I gulped. Naisip ko lang, bakit kaya sa amin ni Ate Ahleira ay hindi naging ganoon ang kapalaran, mabuting hindi sumunod si Daddy sa ganoong arrangement na kinalakihan rin nila.

Swertehan na lang talaga kung ang mapapangasawa mo ay mabait, mahirap rin para kila Cadence at Lavern ang ganoon lalo na't mga babae sila at mahirap mag adjust ang mga babae.

Sila Deshawn at Kienzo ay hindi mahihirapang mag adjust kung sakaling ganoon rin ang patunguhan nila, they are boys!

"Ba't ganoon? Uncle Kevin loves you so much, but..." I trailed off, hindi malaman ang aking idudugtong kaya nagtikom na lamang ako ng bibig.

Huminga siya ng malalim. Gusto kong maawa sa kanyang kalagayan, kung ako ang nasa katayuan niya ay baka maging runaway bride ako sa araw ng kasalan. I don't want to be in arrangement I don't like.

Mas maganda pa rin na mahal mo ang iyong mapapangasawa at naiintindihan ninyo ang ugali ng isa't isa kesa sa taong hindi mo kilala at sa mismong engagement lang kayo magkakakilanlan.

That's damn.

Sakit siguro sa puso noon. Ang bigat sa damdamin na makakasama mo habang buhay ang hindi mo nakilala ng matagal, to think that you two promised in front of God that will love each other for the rest of your lives.

"Malapit na akong mag eighteen, I don't know what to do. I'm fucking hopeless, ayaw kong makasal ng ganoon kaaga. I still need to pursue my dreams!" frustrated niyang sinabi at saka hinilamos ang palad sa mukha.

"I want to build my own company, I want to be an Architect..." naiiyak niyang dagdag.

Suminghap ako at nailing, inabala ko ang sarili sa cellphone, some of my friends in Manila texted me but I opened Reidjan's message first. Patuloy na nagmamaktol si Cadence kay Lavern ngayon.

Reidjan:

Nasa bahay na ako.

Ngumuso ako sa tipid ng kanyang text.

Alas quatro pa lamang ng madaling araw ay umalis na siya kanina para tumulak pabalik ng Maynila dahil kailangan niya ring habulin ang kanyang klase mamayang alas tres.

Pasaway rin kasi, sinabi kong umuwi na siya kahapon pa pero talagang nagpumilit pang manatili dahil niyaya siya nila Deshawn na magtungo sa La Verde para mag-inuman.

Hindi ko rin talaga akalain na magtatagal siya ng isang linggo rito sa Isla Verde, gaya nga ng sinabi ko, mataas ang kanyang pride kaya tumuloy siya kila Spiral Roscoe! They seemed close, anyway. Pero talagang nireject niya ang offer ko!

I replied.

Ako:

Alright, you should get some rest para hindi ka antukin sa klase mamaya.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon