Kabanata 23

77.4K 2.3K 684
                                    


Kabanata 23


Malawak ang La Riva colleges, may field sa likurang bahagi at doon parating nagtetraining ang cheering squad. The field is wide open. Malapit ang greenside kung saan parati akong nagpapalipas ng oras tuwing lunch break.

May gymnasium rin na parating pinagdadausan ng basketball league tuwing sport fest. Hindi ganoong kalaki katulad ng sa Elite University, pero maganda at maayos iyon. Napupuno ng mga estudyante kapag may basketball game.

Pinanuod ko ang naglalarong si Asthreya, kasama ang kanyang mga kaibigan. Asthreya is the volleyball's star player here, player means chic. Sobrang daming nagkakagusto sa kanya lalo na sa aming department na talagang fan niya sa paglalaro.

Well, this Asthreya Fortin is a real chic. Maganda, umakto sa kanyang maganda ring hubog ng katawan at matangkad rin. Marahil sa kanyang paglalaro ng volleyball.

I can't blame anyone admires her, matalento pa sa volleyball. Dito sa La Riva uso ang mga ganitong palaro, madalas ito kesa sa mga beauty competition kung tutuusin.

"Alzhera, bilis na lapit ka ulit kay Spiral! Ikaw lang naman pinapansin niyan," siniko ako ni Gail.

I smiled and shook my head.

Sinulyapan ko si Spiral na nakaupo sa bench at mariing nakatingin sa mga babaeng naglalaro ng volleyball. Ngumingisi kung may sinasabi ang katabing si Clayven Carlos.

"Pagod pa iyan, kakatapos lang ng training nila. Nakakahiya naman kung iistorbohin ko ang pahinga niya." I said.

She wants me to talk to Spiral, kahit na hindi ko naman talaga iyon dapat gawin. Hindi ko rin alam kung bakit may fans club sila na "Al-Piral" seriously? Natawa nalang ako noong mabasa ko ang banner nila na pinagsamang pangalan namin.

"Bagay na bagay talaga kayo! Ang galing, kasi ikaw lang kaya ang pinayagan niyang magpapicture sa kanya last week."

Kumunot ang noo ko. Spiral's lips curved a bit while watching Asthreya jumping and laughing with her friends.

Oh, something's fishy!

"Hindi naman ako gusto niyan! Kahit ilang beses pa akong magpapicture o pansinin," I grinned.

Gwapo si Spiral, to be honest. My eyes are telling that clearly everytime I see him, siya ang tinuturing na prinsipe ng La Riva lalo na't magaling rin sa basketball.

Ngumuso si Sherlyn. "Sino? Si Asthreya? Hindi naman sila ganoong bagay, hindi mayaman si Asthreya."

Seriously? E, ano naman ngayon kung hindi siya mayaman?

Anong kinalaman noon sa pagkakagusto ni Spiral, iyon na ang main point. Paano siya nagustuhan ni Spiral knowing that she's not that rich. It means, Asthreya must've something special. Maaring mabait at pumasok sa taste ni Spiral.

"Hindi rin siya pinapansin ni Asthreya, last year pa namin napansin 'yan si Spiral na tingin ng tingin kay Asthreya tapos nanunuod siya ng volleyball, e, hindi naman niya hilig. Dahil lang kay Asthreya!" si Gail.

Tumawa ako.

"Iyon pala, e. Baka hindi lang napapansin ni Asthreya, 'di naman kasi gumagawa ng move si Spiral." I said. "Bagay nga sila, e. Parehas star player ng La Riva. Baguhin na ninyo ang fans club name niyo!" biro ko.

Sumimangot silang dalawa.

"Ayaw namin, Al-Piral pa rin. Hindi bagay ang dalawang star player, mas bagay si Spiral sa La Riva's face!" Gail grinned widely.

My lips puckered, ngumiti na lamang ako sa kanila.

Wala naman akong balak magkagusto sa iba dahil hindi pa ako ayos, I am not fully healed. And I will never be okay, I know it would be really hard for me to move on from him. Mukhang hindi na nga, wala na akong makitang mamahalin ko pa katulad ng pagmamahal ko sa kanya.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon