Kabanata 40

101K 3.1K 1K
                                    


Kabanata 40


Napangiti ako habang hawak ang kamay ni Reidjan.

"Andyan na sila Lavern, baka nagpapahinga sila ngayon."

Pagkatapos namin mamaalam sa kanila ay dito kami dumiretso para kila Deshawn, nakakahiya kasi kung wala kami gayong magkakasama dapat kami dito sa Maynila.

Hindi na rin kami nagtagal ni Reidjan sa kanila dahil umalis rin ang kanyang Daddy at mga Uncles para sa kumpanya naman. May meeting ata, iyon ang dinig ko. Sandaling kwentuhan kasama si Radjine at si Aly, si Reidjan naman ay kinausap ni Van Damme pero hindi rin nagtagal.

"Hm, ikaw? Why don't you get rest for a while? Makakapaghintay naman sila sa'yo."

As much a I want to, hindi pwede dahil kailangan kong i-entertain sila Lavern habang narito. Isa pa, namiss ko rin ang Maynila kaya walang kaso sa akin kung sumama sa kanila kung saan nila gustuhing magpunta.

"Pero sabi ni Lavern ay gusto niyang mamasyal ngayong araw," I said.

Ngumuso ako at pinaglalaruan ang kanyang kamay na isinasayaw sa hangin habang naglalakad kami sa pathway patungong mansyon. I would never get tired holding his hand.

Huminga siya ng malalim. "Pwede naman mamayang hapon, masyado pang mainit at wala ka pang sapat na pahinga."

Ngumuso ako at tumingin sa kanya. He gently wiped the sweats on my forehead using the back of his palm. Tumango ako.

"Sige, kung papayag si Lavern. Kung hindi naman ay pwede akong matulog habang nasa biyahe tayo." I smiled. "Sasama ka ba?"

Kumunot ang noo niya na parang inis sa tinanong ko. What?

"Ayaw mo ba? Tss. Of course, kasama ka, 'di ba?"

Umiling ako at suminghap.

"Hindi, ah? Ang bilis mong mainis, nagtanong lang ako!"

His lips pursed. "Saan ba nila gustong pumasyal ngayon?" iniba ang sinabi ko.

Wow, Reidjan!

I just shrugged.

Hindi ko nalang pinansin ang pag iiba at pagkainis niya kanina, madali naman talaga siyang mainis pero hindi sa kasing simple noon. Tanong lang, nainis agad.

"Baka sa Tagaytay? I'm not sure, ikaw may naisip ka ba?" hingi ko ng suhestiyon.

He grinned boyishly and squeezed my hand. Nakaramdam ako ng kiliti sa aking tiyan, kahit gaano siya katigas ay may pag-iingat pa rin ang bawat galaw pagdating sa akin.

"In your room?" taas kilay niya sa malisyosong paraan.

Uminit ang pisngi ko, sinapak ko ang braso niya at padabog na inunahan siyan maglakad, tumawa siya at sinundan naman ako agad.

Minsan talaga kahit gaano ka-gentleman ay may kabastusan ring naiisip, e. Tingnan mo itong isang 'to, kaya hindi rin ako naniniwala na wala siyang nahalikan pa at ako ang una dahil ganito siya.

Marahang pinagsiklop niya ang aming mga daliri pagkapasok ng double doors, sumalubong na rin sa amin ang isang kasambahay namin na si Lota.

"Magandang tanghali, Miss Zhera, Sir Reid..."

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon