Kabanata 30

82.6K 2.4K 561
                                    


Kabanata 30

"Maraming salamat, ho, Manong..." I smiled at the driver.

Noong malaman ko nang araw na iyon ang tungkol sa amin ni Reitius ay bumiyahe ako agad pa-Maynila kinabukasan. My mind is clouded, my heart is ripping while thinking about the truth.

I don't know what to think anymore, I don't know where to find the missing pieces of my mind. Damn, pati puso ko apektado pati ang utak ko ay nadamay na talaga ngayon at nakakabaliw. Kung mahina lang ang isip ko ay baka nabaliw na ako.

"Alzhera!" gulat ang reaksyon ni Ate Ahleira nang makita akong pumasok ng mansyon.

Tumungo sa akin ang dalawang housemaids para kuhanin ang mga dala kong bag, huminga ako ng malalim nang yumakap si Ate sa akin.

Wala akong alam kung kumusta ba ang paghahanap niya kay Mommy dahil sinabi ko sa kanya noon na ayaw kong malalaman ang tungkol roon, pinalabas kong galit ako sa Mommy namin para hindi na niya mabanggit sa akin kung sakaling matagpuan niya.

Nawalan ako ng pake tungkol roon, sa madaling salita. Dahil kay Reitius, hindi ko matanggap na nagkaanak si Mommy sa iba. Hindi ko matanggap na sa lahat ng tao ay si Reitius pa talaga, ang minahal ko pa talaga.

That's how fucked up I was. Ngayon ay lalo pang naging fucked up dahil sa mga nalaman ko kay Radjine, matatanggap ko bang malaman na hindi iyon ang totoo kong ina?

Na hindi ko siya kapatid dahil hindi kami parehas na ina? Pero paano kami naging related kung ganoon? Kung anak ako sa ibang babae ni Daddy ay hindi ko na dapat nasilayan noon pa man ang tumayong nanay ko, ang mommy ni Reitius.

Huminga ako ng malalim.

"Ate," I smiled.

She smiled at me. "Mabuti at nakabalik ka rito, pasensya ka na't hindi kami nakakabisita sa Isla Verde. Si Dad ay nasa Canada pa para sa isang meeting."

Tumango ako.

"Ayos lang, Ate..."

She's still the same formal Ahleira, napatitig ako sa kanya. Kamukha niya rin si Daddy pero hindi maipagkakaila roon na meron din siyang nakuha mula kay Mommy.

Their eyes, their nose and the fair skin... iba ang mga mata ko sa kanya, pero kung titingnan kami ay talagang magkapatid kami. Doon ako sigurado.

Kung ganoon, ano ang katotohanan?

Sino ang tunay na anak ni Mommy? Maari kayang nagkamali lang si Reitius sa paghahanap sa kanyang nanay? Pero paano kami naging related? Kung hindi kami parehas ng nanay ay hindi kami related!

Anong ibig sabihin ni Radj? Ngayon palang ay gusto ko ng tumakbo patungo sa mansyon ng mga Cordóva pero kailangan ko munang maimporma si Radj na narito na ako sa Maynila.

"How are you?" she asked me.

Umupo ako sa sofa at huminga ng malalim.

"I'm fine," I smiled. "Ikaw, Ate? Mabuti at narito ka?"

Being here, I don't feel like home anymore. This is not my home, Isla Verde is my home. Bigat ng puso ang ramdam ko rito. Pakiramdam ko'y nasa masikip akong lugar at hindi makahinga ng maayos.

Walang kapayapaan. Hindi ko alam kung rebelde akong matatawag dahil ayaw ko sa aking pamilya, hindi ako rebelde dahil nag-aaral akong mabuti sa Isla Verde. But here, yes, I was a rebel girl!

"Walang importanteng meeting, si Dad ang nagpunta..."

Marahan akong tumango.

"Uh... how about the searching?" I asked weakly.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon