Kabanata 33

83.5K 3.1K 1.2K
                                    


Kabanata 33


"I'm with Alzhera,"

Kumunot ang aking noo nang madinig ang pangalan ko, kinusot ko ang aking mga mata.

Natanaw ko ang malapad na likuran ni Reidjan, nakasandal siya sa bumper roon habang nakapamulsa at ang isang kamay ay may hawak na cellphone sa kanyang tainga.

He's talking to someone on the phone.

"Isla Verde..." he sighed. "What? I won't fail the subjects, you're fucking cruel, Ten. Come on, man. Drop the damn call, you're just ruining my night." iritado niyang sambit.

Si Ten Saavedra pala ang kanyang kausap? I thought it was Radjine or Theonoah. Baka nagtatanong ang kaibigan niya kung sino ang kanyang kasama at napadpad sa ganitong malayo na probinsya.

Mahina siyang humalakhak, napailing ang ulo na parang may nakakatawang sinabi ang kausap.

"Asshole, they weren't a thing. Hindi naging sila ni Theo... what? Yes, Theo liked her but they didn't go up. Why are you suddenly curious? We're not freaking bestfriends, Xythen."

Ngumuso ako. Paniguradong ako iyon, dahil nakita niya rin noon ang paghahalikan namin ni Theonoah sa labas ng Southwest District. Sobrang nahiya ako sa kanya noon dahilan kung bakit iwas na iwas ako sa kanya pagkatapos niya akong maihatid noon sa bahay.

Reidjan is very decent man, ganoon rin ang kanyang pamilya. Miski si Theo ay ganoon, but he's other way around pero hindi nawawala sa kanya ang pagiging disente kahit pa anong gawin niyang pagloloko sa mga babae. Hindi noon mawawala ang katayuan niya sa pamilyang kinabibilangan niya.

"I'll be back in a week. Just a week, dude. Inggit ka ba?" he chuckled. "Don't worry, you'll graduate law without talking, magpanis ka na lang ng laway mo." sarkastikong aniya.

Muli siyang napahalakhak sa sinabi ng kausap. I wonder what Ten said, hindi ko kasi alam na maglalabas ng jokes si Ten sa ganoong ugali niya pero hindi ko alam kung bakit natatawa si Reidjan sa kanya. Sobrang sungit at tahimik noon, e. Dinobleng Reidjan.

"Laws should defend their clients, I don't even know why you took law ni wala ka ngang pakealam sa paligid. And how would you defend them with that coldness and rudeness." he laughed mockingly.

Napangiti ako habang pinapakinggan ang kanyang boses at pagtawa, pilit mang pahinain iyon ay dinig ko pa rin dahil sa lalim ng kanyang boses. Every word came from him was very clear and his voice is really soothing.

I don't know what gotten into me, I just feel like his presence suddenly these past few weeks. Simula pa noong makaalis sila ng Isla Verde ay parang nakakalungkot na kapag wala sila at naiiwan na naman ako.

Nagkamali ako sa pagkakakilala noon kay Reidjan, ang akala ko ay masama ang kanyang ugali dahil sa malamig lamang ang ekspresyon parati.

Always wearing his smug face, but when I finally knew him. Hindi siya ganoon, everytime I looked into his eyes. I see his soul and sincerity, nakatingin man siya sayo o hindi ay makikita mo na iyon sa gentleness ng kanyang mga mata.

Tatawa-tawa siya ng ibaba ang kanilang tawag, he simply glanced at my way. Kumunot ang kanyang noo nang nakitang gising ako, I inhaled deeply and went out.

The cold breeze through my skin sent shivers, sa hangin pa lamang ay alam kong sakop na ito ng Isla Verde. Hindi ko lang alam kung anong lugar ang pinaghintuan ni Reidjan, huminga ako ng malalim at dinama ang simoy ng malamig na hangin.

Bermuda grass ang aking naapakan, the whole place was green because of the bermuda grass. Malawak ang gitnang field na natanaw ko sa kaliwang bahagi, walang ibang tao, walang ibang sasakyan, walang ibang bagay kundi kaming dalawa lamang.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon