Kabanata 9

87.6K 2.5K 1.1K
                                    


Kabanata 9

Kasabay kong kumakain sila Daddy at Ate Leira, Daddy was sitting in the middle and Ate Leira was in front of me. She's silently eating while listening to Dad.

"You should practice more in business, Leira. Hindi ko nagustuhan iyong kahapon na para kang natulala na lang nang makita si Mister Silva."

Mister Silva, who? Kaaway o kaagaw ba ni Ate Leira sa business? O kakumpetisyon? Well, maybe.

Naglagay ang isang maid ng orange juice sa aming mga baso at isa isa niya iyong pinuwesto sa gilid ng aming pinggan. Wala yata iyong maid na laging gumigising sa akin sa umaga?

"Yes, Dad." lumunok si Ate. "I was just..." she shook head and sighed. "Nothing, Dad. I'm sorry." she sighed again and sipped on her juice.

Kumunot ang noo ko habang nakikinig lamang sa kanilang pinag-uusapan. Wala naman talaga akong maintindihan pero tungkol siguro iyon sa event na naganap kagabi.

May business event sila kagabi, iba't ibang business tycoon ang naroon. Nahihiya nga ako sa kanila dahil wala man lang akong alam sa ganoon. Para tuloy akong nanliliit ngayon habang nag-uusap sila dahil wala akong kaalam-alam.

I don't even know anyone in business, si Ate Lei lang ang kilala ko. And yeah, Radjine Cordóva who was really a good COO of the Cordemenezes Industrial company.

Tumikhim si Daddy.

Tahimik na napadasal akong huwag mapansin ngayong gabi. Kakauwi ko lang galing school kaninang alas sais. Actually, kila Reitius talaga ako nanggaling dahil kaninang uwian ay doon na ako dumiretso.

Hindi siya nakapasok kanina dahil puyat siya at hindi nagising ng alas siyete ng umaga, so ayun he ended up reviewing at home. Napapansin ko rin na hindi na niya nakakasama ngayon si Mariah, kahit pa sa pagrereview o kaya sa library.

"Better act like you don't care next time, Ahleira. You two have broken up years ago. Why still affected?" Daddy asked.

Natigilan ako at nag-angat ng tingin kay Ate Leira. Nakakunot ang kanyang noo na parang hindi makapagsalita.

What? Broken up? Sino ang naging nobyo niya? Mayroon pala?

I was shocked.

Ate Leira looked hurt, sa tingin ko palang ay alam ko nang hindi maganda ang topic na iyon para sa kanya. Parang nakakulong pa siya sa alaala na mayroon sila noon kung sino man iyon.

I really did not expect anything. Pakiramdam ko kasi ay tatandang dalaga na si Ate Ahleira, e. I mean, parang buhay na talaga niya ang business at walang time sa ibang tao. Tapos ngayon malalaman ko na nagmahal na siya noon?

"I know, Dad." she nodded weakly. Ibinaba niya ang kanyang kubyertos at nagpunas ng table napkin sa labi niya.

Daddy looked at her, he doesn't seem affected by Ate Leira's sadness now.

"And you, Alzhera? You're graduating, next month. Will you stay in Elite or you'll continue abroad?" Daddy asked me, considering.

Thank God. It looks like he'd let me where I want.

"I'll just stay, Dad." I smiled. "I was planning to be like Ate Lei. I'd take Business Administration in college, po."

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon