Kabanata 13

84.8K 2.5K 714
                                    


Kabanata 13

"You think he's worth it?" I asked Ashley, nagkukwento siya about sa kanyang relationship.

Napakagulong relationship!

Damn.

I didn't expect that she has a boyfriend, tahimik siya at mabait na babae. Hindi niya deserve ang ganoong klase ng relationship, ngayon lang siya nag open sa amin about doon sa ilang buwan na naming nagkakasama.

Nakakatawa nalang talaga ang mga lalakeng pinagsasabay ang mga babae, katulad kay Ashley. Iyong boyfriend niya ay alam niyang mayroong iba pero kahit kailan ay hindi niya raw naisipan na kumprontahin iyon.

Tama ba iyon?

Tama ba na hayaan niyang lokohin siya?

Every girl deserves a love, a love that's loyal to only her. A love that's true and faithful to only one, a love that's not selfish and all the true love.

We don't deserve to be treated like shit, to be a mistress or to be your side chic and hoe! We deserve all the love.

Damn boys...

Damn those fuckboys and playboys who aren't afraid to two timed, to cheat and to fool a girl.

Umiling si Ashley.

"Then, why stay!?" sigaw ni Giselle, suminghap pa siya sa hangin at mukhang asar na asar. "Why are you staying? You know he's only fooling you! He's cheating with your best fucking friend!"

Napasinghap ako, tahimik naman si Lexa sa sofa habang nakikinig lamang at parang may iniisip na malalim. Giselle was standing in the middle while Ashley was just sitting and listening.

Huminga siya ng malalim.

"I don't know..." she quietly said.

Her boyfriend for two years was fooling her for one year now, noong unang taon daw nila ay masaya sila. Nagkakatampuhan pero hindi naman naghihiwalay, pag may misunderstandings ay nagkakabati rin sa araw na iyon.

I could say that they were a perfect couple back then, iyong kung saan saan nagtatravel magkasama. Parating masaya sa simpleng bagay, hindi masaya kapag hindi nila nakikita ang isa't isa.

Sa kwento ni Ashley ay masasabi kong maganda ang memories nilang dalawa, masaya at talaga mahirap bitiwan. Pero hindi ko alam kung ano pang pinanghahawakan niya ngayong nahuli na niya ang bestfriend niya at boyfriend niya!

Sobrang sakit noon. She caught them kissing in the carpark, she just turned her back and left the place.

I remember what I did when I saw Mariah kissing Reitius, ganoon lang din ang nagawa ko. Tumalikod at umalis dahil nakakapanghina at nakakawasak ng puso iyon. What more to Ashley?

Her boyfriend and her only best friend...

Ngayon dito siya nagpunta sa condo ni Giselle, Giselle called us right away that's why we're here. Nagulat pa nga si Ashley sa naging presensya namin kanina.

Wala nang mapupuntahan si Ashley, wala na siyang makakausap dahil iyon lang ang nag iisa niyang kaibigan ang matalik niyang kaibigan na ngayon ay side chic ng nobyo niya.

Really, fucked up.

"You didn't deserve it." tahimik na ani Lexa. Huminga siya ng malalim. "You should break up with him now, Ashley..."

Iyon lang din ang gusto kong sabihin kay Ashley dahil hindi na talaga katanggap tanggap ang ganoong pangyayari. Madali nang bitiwan dahil sobrang mali na ang nagawa.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon