Kabanata 26

79.3K 2.6K 1.3K
                                    


Kabanata 26


My head is fuzzy.

"Zhera, kaya mo pa ba?" si Radjine sa aking tabi, she's taking the shots so easy.

Magkapareha lamang kaming umiinom ng shots at parehas din ang bilang noon pero hindi ko siya makitaan ng epekto, ni walang nagbago sa kanyang kapormalan.

"Kung hindi mo na kaya ay pwede kang manahimik at tumigil." pormal na paalala pa niya.

Gosh. Hindi ko inasahan kay Radjine ang ganito kalakas, hindi ata umeepekto ang alak sa kanya. Nakainuman ko na siya noon pero hindi sumobra sa ganito, kanina pa kami rito at marami ng naubos na alak.

She's just sitting here silently while listening to the music, sila Deshawn at Kienzo ay tumungo sa back stage kasama ang mga kaibigan nila except Minther and Kurt Legaspi.

May sariling mundo ang dalawa, paminsan minsa'y kausap ni Kurt si Theo pero natutuon rin sila sa stage kung saan may bandang tumutugtog. Si Minther ay abala lamang sa kanyang cellphone at umiinom rin pag kanya na ang shot.

Minther is very quiet, he won't talk unless you talk to him but his presence is enough to intimidate you. Bawat sulyap mo sa kanya ay parang nagsasabing: huwag mo akong tingnan kung wala kang kailangan.

Damn.

Lumipad ang mata ko sa aking harapan. Reidjan caught my eyes, my heart went wild... in... embarassment that he caught me glancing at him! Yes!

Darn it.

Bahagyang ngumuso siya at nagtaas ng kilay sa akin. Nanlaki ang mga mata ko, mabilis akong umiwas ng tingin.

"Bathroom, Zhera. It will help you." malamig na wika ni Radjine ang gumising lalo sa kaba ko.

Tinitigan ko siya.

"Uh..." I nodded a bit. "O-okay, bathroom lang ako," nararamdaman ko na rin ang pag-ikot sa aking tiyan na parang kailangan kong magsuka at mabawasan ang acid.

"Sasamahan kita." si Radjine, akmang tatayo na siya nang tumayo si Reidjan at nagpamulsa sa kanyang pantalon.

Napatingin kami sa kanya. Simpleng suminghap ako dahil sa hiyang nararamdaman at hinaluan pa ng kaba.

"Stay here, Radjine, you two will just attract some guys here..." he said coldly as he glanced at me. "Let's go?"

Nalaglag ang panga ko, Radjine chuckled and nodded.

"I won't stop you," makahulugang pasaring niya.

Uminit ang pisngi ko. "U-uh, ako nalang siguro? Kaya ko naman at malapit lang ang bathroom..." nahihiya kong sinabi.

What the hell? Hindi ko naman kailangan ng kasama, actually! I can do it my own, kilala ko naman ang iilang nakikita ko rito sa paligid at hindi naman ako lasing para samahan pa kung saan.

Plus, I don't want to be a burden to them. Sila ang aking mga bisita, ako ang dapat nag-aalaga sa kanila habang narito sa Isla Verde.

Huminga siya ng malalim, nagulat ako ng itulak ako ni Radjine at nawalan agad ako ng balanse dahil wala naman na talagang malakas na balanse sa aking sistema ngayong oras.

"Shit!" nahulog ako sa upuan. "What the hell, Radj!?" inis kong igik dahil sa pwetan kong masakit.

"Oops!" halakhak ni Radjine at nagtakip ng bibig dahil sa pagtawa.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon