Kabanata 25

82.6K 2.3K 1.4K
                                    


Kabanata 25


"Radjine!" tumili ako nang makababa siya mula sa silver na Subaru sa harapan ng aming gate.

"Zhera!" pormal ang naging pagbati niya pero dinig roon ang tuwa.

Nothing's changed, she's still the same sophisticated and formal Radjine. She's still my very bestfriend. Kung merong mang nagbago'y iyon ang kanyang mas humabang buhok at blonde na ngayon.

Her hair is in a formal french style bun, she's wearing a red dress above her knees and a wedge shoes. Magandang talaga.

We hugged each other like we didn't see each other for a very long time when in fact it's just two weeks, parati naman niya akong pinupuntahan rito at nagtatagal siya ng tatlong araw hanggang isang linggo.

"Wow! Sisters!"

Namilog ang mga mata ko nang madinig ang pamilyar na boses ni Theonoah, kumalas ako sa yakap para balingan siya.

What is he doing here? Sinama siya ni Radjine? Wow! It's surprising that Radj brought someone like him! Ginawa niya sigurong driver!

Theonoah, wearing his usual jolly face, nakasuot siya ng t-shirt na playboy at itim na jeans. Nakasumbrero siyang pabaliktad kaya kitang-kita ang aliwalas ng kanyang makinis na mukha.

"Theo!" I exclaimed. "Wow! You're here!"

He parted his arms wide open for a hug while grinning like a playboy itself. Nginiwian ko siya at hinampas lamang sa braso na ikinatawa niya at siya na mismo ang humila sa akin para mayakap.

Whoah! This playboy!

"Tsss..." si Radjine. "Lumayo-layo ka diyan, Zhera." pormal na aniya.

Natawa ako at kumalas, Theo laughed heartily and rolled his eyes on Radjine. Hindi ko inaasahan na kasama si Theo at isasama siya ni Radj dahil ayaw niya sa magulo at maingay katulad ni Theo kaya nakakataka talaga.

Nadinig ko pa ang pagbukas ng pintuan kaya nilingon ko agad ang sasakyang gamit nila, halos mamutla ako nang matanaw ang malapad na bulto ni Reidjan. He was craning his neck, and closed the car door.

Lumakad siya para makalapit sa aming banda. Kumalabog ang dibdib ko sa kaba, ni hindi ko alam kung anong paunang reaksyon ang gagawin o sasabihin ko. If I should greet him or what, my mind is clouded by his presence here.

I did not expect this.

His lips curved as he glanced at me. Nanlaki ang mga mata ko, nakaawang ang labing bumaling kay Radjine para magtanong gamit ang aking mata.

She smirked and shrugged, tumalikod siya para pasadahan ng tingin ang buong mansyon sa likuran.

Reidjan wearing his sleepy face, he looked hot even more now! Siya ang hindi ko talagang nakita ng isang taon dahil wala naman siyang social accounts na mabibisita, unlike Theo who's updated on his Insta.

He's wearing a simple white t-shirt, sakto sa hubog ng kanyang braso, khaki shorts and a white adidas sneakers. He covered his mouth and yawned a bit before looking at me without any expression.

Hilaw na ngumiti ako at mabilis na tinungo ang kinaroroonan ni Radjine.

Nawalan ako ng dilang magsalita dahil sa hiya. Hindi ko alam na ayos kami ni Reidjan, o talaga sumama lang siya rito at hindi niya nalaman na ako ang pupuntahan rito?

I guess right.

"Surprised?" pormal na halakhak ni Radjine nang makalapit ako.

Pumikit ako at bumuntong hininga.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon