Kabanata 21

71.8K 2.3K 985
                                    


Kabanata 21

"Talk, tell me everything..."

Huminga ako ng malalim nang narinig ang pormal at malamig na tinig ni Radjine, she was sitting in front of me. May maliit na round table sa aming pagitan, she fetched me eleven in the evening.

Bumagsak ang panibagong luha sa aking mga mata, hindi ko kayang sabihin sa kanya iyon ng nakatingin sa kanyang mukha. Nahihiya akong aminin iyon sa totoo lang, but this girl in front of me is my best friend. My sister.

My sister that I could tell every single thing, my best friend who will understand me no matter what. Ganoon naman kaming dalawa, lahat-lahat sa amin ay alam naming pareho.

"Radj," panimula ko. "Hindi ko alam kung paanong sisimulan, sobrang gulo. Sobrang sakit din." I talked my heart out.

She just nodded at me.

"Maiintindihan ko kahit ano pa iyan, Zhera..."

Parang may tumusok sa puso ko at bigla na lang lumuwag ang pakiramdam ko, nabawasan kahit papaano lalo na nang tawagin niya ako sa aking pangalan.

I sniffed.

"We're siblings..." A whimper escaped me. "Magkapatid kami, Radjine. Hindi kami pwede."

Gusto kong sabihin ang lahat, gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob ko. Gusto kong maalis lahat ng sakit na nagpapahirap sa aking paghinga, pakiramdam ko'y wala akong karapatang makahinga ng maayos.

Bakit kasi nagkaganito? Bakit sobrang sakit ng tadhanang ibinigay? Sa sobrang pagmamahal ko kay Reitius ay ayaw ko pa rin siyang pakawalan kahit nalaman ko na ang katotohanang hindi kami pwede.

Ngunit hanggang kailan ko maitatago ito? Lalo na sa kanya? Ngayon pa na iniiwasan ko ang lahat-lahat, pati ang aming interaction.

I looked at Radjine.

Parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa nalaman, she was stunned. Suminghap siya at napailing ng bahagya, her forehead creased in confusion as she looks at me.

I nodded weakly.

"Magkapatid kami, we have the same mother, Radjine. Sobrang sakit nang malaman ko iyon, sobra. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon, I couldn't talk the whole night I was just staring at them. At my mother I missed for years..."

Bumuhos ang luha ko sa lahat ng sakit na nararamdaman ngayon ng puso ko, sobrang tagal kong kinimkim ito dahil wala naman akong kaibigang mapagsasabihan ng ganitong klase ng sikreto.

Only Radjine. She's the only one who I can trust my whole life, bukod kay Reitius. Pero ngayon ay ibang usapan na, hindi ko na maaring sabihin kay Reitius. Hindi ko kaya.

She gasped, her nose wrinkled a bit. Nagtiim bagang siya at nakita ko na roon ang pangingislap ng kanyang mga mata dahil sa nagbabadyang luha.

"Z-zhera..." she gasped again and shook her head. "H-how? Are you sure? I thought your mother was missing? Paanong nangyari?" tears rolled down her cheeks, pinalis niya agad iyon.

Mas lalo akong nasasaktan kapag may ganitong kakampi pero sobrang nakakabawas rin iyon ng sakit na nararamdaman ko noong mga nakaraan pa, if only I could remove my heart aches I fucking would.

E, wala. I couldn't even less the pain I'm feeling right now. Sobrang kakaiba ang sakit na parang nawawalan ako ng pag-asang mabuhay, call me OA but yes, I don't know how to live my life now knowing that we cannot be together.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon