Kabanata 36

88.5K 3.1K 1.2K
                                    


Kabanata 36


"Stop crying, please..." malambing na bulong ni Reidjan.

Sobrang nasasaktan ako sa ginawa ni Reitius, kahit kailan ay hindi ko inasahan na kaya niyang gawin ang ganoon sa akin. Hindi man lang niya naisip na kasalan at kamalian ang relasyon namin na dalawa?

Hindi ko siya maintindihan sa parte na iyon kahit na alam kong lahat ng kanyang ginagawa ay may dahilan, he has reasons but fuck those wrong reasons! Maling mali na, alam niyang magpinsan kami!

"Alam niya pala ang lahat, matagal na." humikbi ako.

Marahan niyang pinaglaruan ang aking daliri na nasa kanyang hita, his other hand is on my head, gently caressing my hair. Inaalu ako sa pag-iyak.

"I can't believe that he really hid it from me, hindi ganoon si Reitius!" I whimpered. "Nakakainis, ako ang nagmukhang tanga sa lahat! Wala akong kaalam-alam na nasa kanya lang pala ang katotohan!"

Nasasaktan pa ako noon dahil ayaw ko siyang masaktan kapag nalaman ang katotohanan, pagkatapos ay alam naman pala niya? Hindi ko sigurado kung kailan niya nalaman iyon pero sinabi niyang taon na iyon, damn it!

Nahihibang na siya! Akala ko ba matalino siya? Bakit hindi niya inisip ang tama sa mali? Hindi ako maniniwala na ginawa niya iyon dahil sa pagmamahal, I loved him so much but I did the right thing for us! I broke up with him because our relationship was a mistake, was a damn sin!

He let out a sighed and hugged me tighter, he slid his arm on my lower back and kissed my ear. My heart is thumping in pain, without Reidjan I probably get drunk in the bar now!

"He loves you," he mumbled. "Kaya niya nagawa iyon dahil mahal ka niya, I know him. Hindi naman niya iyon gagawin kung walang dahilan kahit mali pa,"

"He doesn't want to break up with you, pero aaminin niya iyon kapag handa na siya. Ganoon ang kanyang ugali."

Ngumuso ako at tiningala siya, he was looking at me already. He gently wiped the tears on my cheek with his thumb and smiled a bit.

He really knows how to make me feel the comfort, kahit nasasaktan ako ay nakakagaan ng loob ang kanyang presensya sa aking tabi. I realize how much I want him beside me, always.

"Stop crying now, Ford is a good man. Hindi niya rin ginustong masaktan ka, and he's hurting, too. I know how much he loves you, it must be really hard for him to let you go... now."

I gulped, huminga ako ng malalim at kumalas sa kanyang yakap. I looked at him directly, hindi niya binitiwan ang aking kamay. Nagtaas lamang siya ng kilay.

"He betrayed you, why are you defending him? Hindi ba dapat ay galit ka sa kanya?" I asked.

"He betrayed us all, pati ang mga kaibigan namin pero hindi ako nagtatanim ng galit dahil kilala ko siya at alam kong may dahilan ang lahat."

"What? Kayong lahat?" singhap ko.

Hindi ako makapaniwala sa nalalaman kong ito, paanong nagawa ni Reitius iyon? Magagawa niya ba iyon? Sa paanong paraan? He was nothing but a fucking perfect man for me. Alam kong napakabuti niyang tao, hindi siya gagawa ng ikakasakit ng kanyang kaibigan.

He chuckled and nodded a bit.

"Tinraydor niya ako, betraying me means betraying us all..." he breathed in. "Binaliktad niya rin ako," he smirked mockingly.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon