Kabanata 2

140K 4.1K 1K
                                    


Kabanata 2

Reituis enslaved me that night, Radjine and I went home after that scenario between us. Nawalan ako ng lakas, pakiramdam ko'y ayaw kong lumabas ng ilang araw sa aking kwarto dahil doon.

Why does he care? Bakit ayaw niya ako doon? Ganoon siya sa akin noong kami pa kaya naman naninibago ako ngayong hindi na kami.

Bakit? Bakit kailangan niyang mangealam pa? Or I'm just assuming things? We broke up, weeks ago. Masakit pa rin sa akin, syempre lalo pa ngayon na nagparamdam muli siya sa akin na parang walang break up na naganap sa amin.

Tamad na lumabas ako ng kwarto, inaantok man ay nagugutom na ako. Naabutan ko ang maid na nag-aabang sa labas ng pintuan ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"What, again?" may bahid ng inis kong tanong. "Bakit pakalat-kalat ka sa labas ng kwarto ko? Are you a thief? Hinihintay mong umalis ako para makapasok sa aking kwarto?"

Kumurap kurap siya at mabilis na umiling sa akin na parang natatakot. Bagay sa kanya 'yan! Masyado siyang epal na laging nakabantay. Dinaig pa ang bodyguard, e!

"Ma'am Zhera, pinapatawag ho kayo ni Ser Arnold sa office n'ya..." fear was evident in her small voice.

Inirapan ko ang maid. "Sabihin mong maghintay siya at magbibihis pa ako!"

"You can't make him wait, Zhera!" pormal na tinig ni Ate Leira ang nahagip ng tainga ko.

Halos manlamig ako nang tingnan siya. Hindi ko gustong kalabanin ang kanyang kapormalan pero nakakainis ang katotohanang iyon. I could almost see the older version of me while looking at her.

Lumunok ako at nagtango na lamang ng ulo. I sighed.

"Pupunta na ako." malamig na sambit ko sa natatalong tinig, tipid siyang tumango bago pumasok ng kanyang silid.

I muttered a curse.

Hindi ko talaga kayang labanan ang kanyang kaseryosohan parati, hindi ko alam kung anong klaseng ugali ang meron siya. Pero pakiramdam ko parati niya akong sinesermonan at iniinsulto sa kanyang paninitig palang.

Kumpara sa akin, siya ang mas nagmana sa ugali ni Mommy. Misteryosa at seryoso, kaya talagang hindi na ako nagtaka na iniwan ni Mommy si Daddy dahil masyadong gahaman si Daddy pagdating sa kapangyarihan.

Bagay na batid kong pinakaayaw ng aking ina. Pero si Ate Leira yata ang nakamana ng ugaling iyon ni Dad, kumbaga half-half. Iyong serious side niya ay kay Mommy at kay Dad ang pagiging gamahaman.

Tss, as if naman naghahangad ako ng kapangyarihan sa pamilya namin. Gusto niya sa kanya na lahat ng pamana, basta ba siguradong buhay ako sa future.

"Alzhera..."

Nagulat ako nang maabutan si Reidjan na nakaupo sa harapan ni Daddy, para silang merong seryosong pinag-uusapan kung hindi lang ako dumating.

Reidjan flashed a light smile when he saw me.

"Reid, what are you doing here?" lumapit agad ako sa kanila.

They are sitting on the couch, si Daddy ay nasa single couch at si Reid ang nasa mahabang couch.

Dad cleared his throat.

"Take a seat, hija..."

Couldn't help but gasped in mind, what now? Acting like he's a respectful father? Oh come on, Dad. Hindi bagay sa'yo ang ganyan! Mahiya ka naman sa bisita. I wanted to voice that out.

Umupo ako sa tabi ni Reidjan, he's just formal and stern. Ilang sandali pang nagtagal ang kanyang tingin sa akin bago bumaling kay Daddy.

God! This is ridiculous! Kabado ako sa presensyang hatid ni Reid, kahit saan. Kahit pa rito sa sariling pamamahay namin.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon