Kabanata 37

87.7K 3.3K 713
                                    

Thank you for reading this story. Few chapters ahead.

Kabanata 37

"Sumama kaya tayo sa Maynila kay Reid?" nakangising suhestiyon ni Lavern.

I looked up to Reidjan, he was hugging me from behind while we're in front of the bonfire. Sa aming tapat ay si Lavern lamang na nag-iihaw ng kanyang marshmallow roon.

Nagpaalam sila Deshawn na may susunduin lang sa La Santa pagkatapos ay babalik rin dito, maybe it's their girls!

His brow shot up and glanced at Lavern.

"Great idea," he quietly said. "I love to be with her in Manila, kaya lang ay may pasok kayo."

Ngumuso ako at humawak sa kanyang braso na nasa aking tiyan.

"Pwede naman dahil tapos na ang exam week namin," si Lavern ang sumagot. "Isa pa, hindi pa rin ako nakakapunta kila Alzhera. Gusto ko rin mamasyal sa Maynila. It's been awhile since I last visited Manila."

Reidjan's lips protruded and looked at me, he rested his chin on my shoulder blade and hummed like he was asking for my opinion about it.

"Hm? What do you think?" he asked softly.

"Sige na, Alzhera! Sasama iyon sila Deshawn at Kienzo, and I'll tell Cade about it. Baka sumama rin iyon..." she wiggled her eyebrows.

Tapos na ang exam week namin last week pa, pero parang mahirap ata kung pupunta kami ng Manila. Baka hindi na magsibalikan ng Isla Verde sila Kienzo at Deshawn dahil sa dami ng babae roon at masayang night life.

But I'll surely miss this man, gusto ko rin naman bumalik ng Maynila para parati siyang kasama kapag natapos ang semester na ito ay babalik ako roon. Hindi ako panatag na malayo siya ngayon, hindi ko alam kung bakit biglang ganoon.

Plus, Reitius is here in Isla Verde. He's studying in La Riva, I don't really hate him but I want to stay away... for now. I don't want to see him, hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya sa akin at sa kanyang mga kaibigan.

Huminga ako ng malalim at marahang tumango. Nalaglag ang panga ni Lavern sa pag sang-ayon ko, mabilis siyang tumayo at tumalon na tila excited na ngayon pa lang.

"Doon tayo tutuloy sa amin. Sana makasama si Cade, para masaya at kumpleto ang magpipinsan." I smiled.

Reidjan chuckled. "Thank you."

Umangat ang kilay ko sa kanya. "Para saan?"

"Makakasama kita, e." halakhak niya, he gently bit my ear. Napaiwas ako dahil sa kiliti at saka tumawa.

"Para makasama kita," I said, giggling.

Humalakhak lamang siya at mas hinapit ako payakap sa kanya, he wrapped his arms around my waist like he won't let go.

It feels surreal, every time with him feels new to me. Pakiramdam ko'y ngayon lang namin nagawa ang mga ito, kahit nayayakap na niya ako noong mga nakaraan. Parang lahat ay nagiging bago, bawat yakap niya at halik.

Well, anyway, I haven't kissed him yet! Sa pisngi lang, pero iyong sa lips ay hindi pa. Hindi rin naman siya nagtatry, kaya ayos lang sa akin. Hindi pa naman kami, pakipot muna ako, but I'm near!

Sobrang lapit na, I already claimed him as mine. Doon din naman ang tungo noon, mabuti na lang talaga at dumating siya. Mabuti nalang at ibinigay siya sa akin ng tadhana.

This time I know that we won't have a problem, huwag naman sana. Wala na sana, I want to be happy with him. Hindi ko maipapangako na hindi kami mag-aaway, pero it's a part of the relationship.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon