Kabanata 5

98.8K 2.7K 286
                                    


Kabanata 5

"Where will you go in college, Zhera?"

Ilang linggo o araw na lang ang bibilangin at tutungtong na kami sa college, gusto kong maging Engineer pero mukhang mahihirapan ako roon kaya naman maaga akong nagdesisyon na mag bi-Business Administration na lang ako tutal ay doon din naman ang bagsak ko.

Ngumiti ako kay Tita Rhea, she's Reitius' mother. Maganda siya at mabait pa, hindi na ako magtataka na namana sa kanya ni Reitius ang iilang features sa mukha nito.

Ang maliit na hugis ng mukha, ang malalamlam na mga mata at ang manipis na labi. Ang ilong ang nagkaiba dahil masyadong matangos ang kay Reitius, animo'y hinulma ng sobrang perpekto at tayog.

"I'll be staying in Elite, Tita..." I smiled.

"So, my son will surely stay in EU, also."

"Of course, Ma." sang-ayon ni Reitius. "Kung saan si Zhera, doon din ako..."

Uminit ang aking pisngi. He's too much!

Tumango naman siya at sumimsim sa kanyang baso ng juice, she was looking at me intently that it made me feel awkward for a minute.

I don't know why Tita Rhea kept on looking at me these past few days. Palagi akong nagpupunta kila Reitius every uwian, dahil ito lang naman ang aming free time. Kadalasan kasing busy siya sa school kaya hindi rin kami nagkakasabay kumain pag lunch break.

Nahihiya man ay pinagpatuloy ko ang pagkain ko, mas nakakahiya naman kung iiwanan ko ang pagkain kong may natitira. It would be a waste of food, iyong iba nga walang makain.

Muli akong nilagyan ng ulam ni Reitius sa plato, ngumiti siya nang lingunin ko siya. Napailing na lamang ako at tinanggap iyon. Nakatingin pa rin si Tita Rhea sa amin habang kumakain kaming dalawa.

May problema ba si Tita sa relasyon namin? Kinakabahan kasi ako sa kanyang paninitig, e. Feeling ko anytime ay maari niya kaming paghiwalayin.

Reitius is a momma's boy. May possibility na kapag inutos ng mommy niyang hiwalayan ako ay baka sundin nga niya. My chest tightened, my heart is aching.

Fuck. Stop what you're thinking, Alzhera.

"Bukas ang uwi ni Ral, Can you fetch him?" bumaling na ngayon si Tita Rhea kay Reitius.

Kumunot ang noo ni Reitius. "I can, but I don't have a license yet, Ma." natawa ito ng bahagya.

Marunong magdrive si Reitius pero dahil minor palang siya ay hindi siya pinapayagan magdrive sa malalayo. Kaka 18 lang din kasi niya last week, september 6.

Tumaas ang kilay ni Tita Rhea at ngumiti.

"Makukuha mo naman na bukas ang lisensya mo, baby."

Reitius groaned.

"Ugh, Ma!" sumulyap siya sa akin na namumula ang pisngi at parang nahihiya. "Oo na, okay? I will fetch Kuya Ral. Just... just stop calling me that!"

Napahalakhak si Tita Rhea. Napangising aso naman ako dahil sa pagkapikon ni Reitius.

Namimiss ko tuloy siyang kasama sa mga paggala naming dalawa lang. We were strolling but in just near places here, we would have a midnight snack somewhere.

Tumatakas ako sa mansyon para kitain siya sa kabilang street sa village namin.

Syempre, mahirap na kung sa mansyon mismo dahi maaari siyang makita ni Dad. Mas maganda na iyong sure, kung sakaling mahuli man ako ay sasabihin kong sa bahay lang ako nila Niña pupunta. Iyong kaibigan ko sa village na taga Harvard University.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon