Kabanata 8

87.1K 2.9K 502
                                    


Kabanata 8

Kumunot ang noo ko nang tumunog ang cellphone ko, it was Reitius. I sniffed and wiped my tears before answering the call.

"Alzhera..." he started so softly but I could hear the frustration.

Hindi ako nagsalita. Kakahatid lang sa akin ni Speed, he can't go home late because he was grounded. Tumakas lang pala siya sa kanila para mapuntahan ako sa Skyren kanina.

"I'm not failing because of you, I'm sorry if I fail some of my subject. Stop thinking that you're the reason why, ako ang may kasalanan. Please, don't think too much..." frustrated niyang sinabi.

Napahikbi ako. I heard him curse on the other line. My heart is breaking, kahit kasi sinasabi niyang hindi ako ang dahilan noon ay tumatak na sa isip ko na dahil naman talaga sa akin iyon.

"Baby, can you go outside? I'm here, let's talk, please. I'll explain everything if that's what you want, I'll study more to earn back my grades. 'Wag ka ng umiyak at mag-alala tungkol doon, please..."

Pumikit ako ng mariin, I could fucking feel my heart racing now. Pakiramdam ko ay mawawala na ako sa sarili dahil sa magkakahalong emosyon ngayon.

Nandyan siya sa labas? Kailan pa?

Maaalis ba ng mga sinabi niya ang nararamdaman kong sakit? Maaalis ba noon ang mga sinabi ni Mariah sa akin? Ang pagkaguilty ko, mawawala ba?

Fuck, I miss Reitius so much. Days without seeing him was a real hell. Napakasakit na iniiwasan ko ang taong mahal ko dahil pabigat ako sa kanya. Masakit na nga na iniiwasan ko siya, masakit pa na pabigat lamang ako sa kanya.

I went outside, I saw him leaning on the red car. He was massaging his temples and he looked problematic while waiting there.

Kumalabog ang puso ko habang nakatunghay lamang sa kanya. Ewan ko kung bakit nawalan ako ng pakealam ngayon kung mahuli pa kami ng kapatid o ni Dad dito, ang importante ngayon ay ang makapag-usap kami.

I want to clear my mess, I messed him up! Iyon ang nakataga sa isip ko. Mariah know how messed up he was, lalo na't bumabagsak siya sa mga subjects niya at baka hindi pa makakuha ng magandang record ngayong huling taon sa highschool.

See, Alzhera? See what you did!

I was so selfish, I didn't even know his grades! Masyado akong natuwa na nakakuha ako ng higher grades, pero siya hindi ko man lang natanong!

Huminga ako ng malalim at tuluyang lumapit na sa kanya. He slowly shifted his gaze at me, he sighed deeply and I saw how sad his eyes are.

Pumikit siya ng mariin at huminga ng malalim bago hinila ang aking kamay. Suminghap ako at hindi na nakaangal nang yakapin niya ako ng mahigpit.

He was frustrated, sa galaw palang niya at kanyang mga reaksyon ay para siyang naiinis na hindi malaman pero lamang ang kagustuhan niyang intindihin na lang ako dahil wala naman siyang magagawa kundi iyon lang.

"I missed you so much, Alzhera." he whispered softly. It was soothing that I wanted to cry now.

I missed him, so much.

Nasasaktan lang ako ngayon, naalala ko pa kung paano ako nakipagbalikan sa kanya na mag-umpisa kaming muli pero heto ako, guguluhin lang pala siya. Naisip ko tuloy na sana ay hindi ko nalang ginawa iyon.

We started again, we're together for almost seven months now. Bakit ngayon pa nangyari ang mga ito? Bakit ngayon ko pa siya nagulo? Kung kailang graduating na kami.

"Reitius..." I called gently.

Pumikit siyang muli at saka bumuntong hininga. He then kissed my forehead and intertwined our fingers, he kissed the back of my palm and looked at me.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon