Kabanata 32

84.8K 2.4K 759
                                    


Kabanata 32


A soft and warm hand was gently caressing my cheek, pumungas ako roon pero hindi minulat ang aking mga mata dahil sa kaantukan. Ngumuso ako at pinikit ng mariin ang mga mata.

He softly chuckled.

"Hey, sleepyhead..." his voice was deep but very soothing. "You have to eat dinner,"

Huminga ako ng malalim, hindi pa rin maidilat ang mga mata dahil sa bigat nito. I silently cried the whole ride and I fell asleep without knowing, bastang bumagsak ang mga mata ko sa sobrang kaantukan.

Reidjan was just quiet, hindi ako tinatanong ng kahit ano pa man. Hindi rin ako pinapahinto sa aking pag-iyak, it's like he's giving me a freedom to do anything I want, to cry my pain out.

"We stopped by for a while, naalala kong hindi ka nga pala kumain ng dinner kanina..."

"You did not, too." I sighed, pinaglaruan ko ang lalagyan ng tissue sa aming lamesa.

He let me choose where to eat, kahit kailan ay hindi ko naalalang namili siya para sa sariling kagustuhan. Kung saan man kumain o ano, para bang ako ang bahala sa lahat kung saan ko gustuhin ay doon rin siya.

Marahang niyang nilalaro ang kanyang daliri sa lamesa na parang boring na boring siya sa paghihintay ng order, pero nagkamali ako dahil nang mag-angat ako ng tingin ay nahuli ko siyang nakatitig sa aking mukha na tila ako lang ang interesante sa lugar.

Tipid na ngumiti ako. My heart is beating so fast that I don't know how to calm it, hindi ako sanay na nakatitig siya sa akin dahil napaka unusual noon pero usually ay nahuhuli ko naman siya.

He sighed and glanced away when I caught him watching me.

"Hindi pa naman ako gutom," he said in his natural low voice.

"Ako rin naman..." I said.

Nagtaas siya ng isang kilay at muling bumaling.

"You need to eat, bawal sa akin ang hindi ka kumain kahit 'di ka nagugutom." he said marked with finality.

Napanguso ako at nagkibit ng aking balikat. Mukhang wala naman akong maisasagot roon, pinagbigyan niya ako sa lahat kahit na hindi naman talaga niya obligasyong gawin ito.

It's very comfortable for me to be with someone like him, I don't know why it feels so good to have this alone moment with him. Samantalang, uneasy ako tuwing nasa paligid siya.

Parang nakakagaan at the same time ay nakakaintimidate siyang kasama, sinabi ko kay Radjine kanina na gusto kong mapag-isa but here I am with his brother, escaping Manila.

Nakakatwa lang at si Reid pa talaga ang kasama ko.

"Uy, 'wag naman ganoon!"

Grupo ng kababaihan ang nadinig kong nagtatawanan na kakapasok lamang. I slept for three hours, he said. Kaya batid kong hindi pa kami nakakalayo masyado.

Napili ko ang simpleng kainan na nakita ko kanina nang naghahanap ako ng gustong makain, si Reidjan ay nakasunod lang naman sa likuran ko.

Alam kong hindi niya ako hahayaang gumastos para sa aming kakainin kaya ako nalang ang nag adjust at sa murang kainan lamang pero mukhang masarap.

I used to eat Filipino food for some reason, mas gusto ko iyon. Lalo na ang sinigang na baboy at maasim na sabaw noon, that's my all time favorite food. Si Ate ay mahilig sa Italian restaurant kumain, ganoon rin si Daddy. Ako naman ang naiba roon.

"Ano ang iyo, Lea?" tanong ng babae habang naglalakad sila at nakatitig sa menu na nasa itaas ng counter.

Nang saktong madaan sila sa aming banda ay lumipad agad ang kanilang tingin sa akin. Kumunot ang noo ko, bakit sila nakatingin? Huli na ng matanto kong sa lalaking kasama ko pala sila nakatingin at naglalaway ngayon.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon