Kabanata 43

105K 3.1K 712
                                    



Kabanata 43

Mabilis na nagdaan ang mga araw. Walang mapaglagyan ang kasiyahan ko sa bawat araw na iyon, kapag may libreng mga araw ay ako ang pumupunta ng Maynila para kay Reidjan.

Well, inaasikaso ko ang mga kailangan sa La Riva para malipat muli sa Maynila. I want to be with him all the time, I have to adjust for him. Iyon ang tanging magagawa ko para masuklian ang mga ginawa niya sa akin.

Of course, I know he's doing all the efforts to be with me. Noong nakaraan nga ay nalaman kong bumaba ang kanyang grade sa isang subject na bihira niyang mapasukan dahil sa pagpunta sa akin sa Isla Verde.

Simula noong makauwi kami galing Boracay ay inihatid din kami sa Isla Verde. Sinabi ko na nga sa kanya na hindi na kailangan dahil pwede naman ako sumabay kila Deshawn since silang tatlo lang naman sa sasakyang gamit pero hindi pumayag si Reidjan kaya nagpaubaya nalang ako kahit nag aalala ako noon.

"Stop, Zhera. I won't let you." matigas na sambit niya sa kabilang linya.

"But this is the last! Lilipat na ako ng Maynila ulit!" giit ko.

Nakaramdam ako ng kainisan dahil sa pagtutol niyang sumali ako sa pageant ngayong huling buwan ko sa La Riva, ayaw niyang sumali pa ulit ako sa kumpetisyon.

"I said no..." marahang aniya. "Please, stop pushing my button. Ayoko,"

God! So possessive!

Umungos ako sa kawalan ng pasensya at pag-asa.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ayaw niya iyon, samantalang nagawa ko na iyon ng ilang beses rito sa La Riva. Ngayong huling taon pa siya aayaw?

"Ugh! I don't get you!"

"Tsss, you're not in my position. What if I tell you the same thing? Sumali rin ako ng ganyang kumpetisyon na maraming babaeng nanunood?"

"No fucking way!" mabilis kong tutol sa kainisan, maisip palang iyon ay umiinit na ang ulo ko.

He chuckled mockingly.

"See? So, it's a no for you, too." he said. "Kung noon, malaya kang nagagawa iyon, ngayon ay iba na. May nagmamay-ari sa'yo, hindi na pwedeng pagpiyestahan pa ng iba."

Damn it. Ano pang say ko roon? Natatameme na ako sa ganyang mga sinasabi niya. Ayoko ng madugtungan pa dahil masyado masarap sa pakiramdam na parang kailangan kong damhin.

"Hoy, Zhera. Ano?"

"What?" I snorted.

Sumunod na araw ay nagpupumilit sila Sherlyn na sumali ako sa pageant, sinabi ko na sa kanila na hindi ako pwede pero heto sila at muling nangungulit sa akin.

"Sumali ka na kasi, wala namang mawawala! 'Tsaka ikaw ang may hawak ng korona, depensahan mo naman!" si Gail sa iritadong tono.

"I told you, hindi ako pwede."

"Ba't naman? Noon nga nakasali ka, e! Ano ang bago ngayon at bawal ka?"

I shrugged.

"I have a boyfriend, ayaw niyang sumali ako." pag-amin ko sa katotohanan para hindi na sila mangulit.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon