Kabanata 31

78.6K 2.8K 1.2K
                                    


Kabanata 31


"Check this..."

Iritado kong kinuha ang brown envelope na nilahad ni Radjine sa lamesang nasa harapan namin, pero mabilis niya ulit iyong inagaw at nagkrus ng braso sa dibdib.

"Wait! What the hell is your problem?" she hissed, mukhang nairita na rin sa kaninang pagdadabog ko pa.

The hell, I don't even know why I am irritated!

Sumama lang bigla ang araw ko, pagkarating namin ni Reidjan dito sa kanilang mansyon ay hindi ko na siya hinintay pa at umakyat na agad ako sa silid ni Radjine. Even the housemaids, hindi ko na napansin at naisipang bumati sa sobrang init ng ulo ko.

Kumunot ang noo ko at umiling.

"Wala! Akin na, babasahin ko!"

"No! Sabihin mo sakin ang problema mo! Hindi mo ito matutuunan kung ganyan ang lagay mo, you looked like a damn tiger!"

"Wala nga kasi, akin na!"

Mariin siyang umiling. "Umayos ka, hindi ako natutuwa sa simangot mong mukha ngayon! Pinaghirapan kong makuha ang mga ito, Zhera-"

Napahinto siya sa panenermon nang padabog na bumukas ang pintuan ng kwarto. Reidjan immediately caught my eyes, I gasped and rolled my eyes.

"Heirans, let's talk." marahan niyang sambit.

Let's talk about what? Tsss, wala naman kaming dapat pag-usapan, huh? Anong ginagawa niya rito? Kailangan namin ni Radjine ng pribadong lugar para sa pag-uusapan.

Bakit sumunod-sunod pa siya?

Nagpalit ang tingin ni Radjine sa amin. Suminghap siya.

"Heck! Pwede bang lumabas ka muna Reidjan? Hindi kami makakapag focus sa ginagawa namin, e!" aniya. "We need to talk privately, get out and wait for Alzhera outside!"

Kumunot ang noo ni Reidjan, hindi inalis ang tingin sa akin at parang nanantya sa aking ekspresyon ngayon.

Anong problema niya? Hala, hindi ko naman siya inaano, ah? Get lost, Reidjan and be with your girls!

"Lumabas ka muna, may pag-uusapan kami!" muling ani Radjine nang hindi pansinin ang kanyang unang sinabi.

"I need to talk to her," mariing wika ni Reid.

I gasped and looked away.

Anong kailangan niyang sabihin? Pwede naman niyang sabihin rito, bakit kailangan pang pahabain ang oras niya rito? Mas importante sa aking malaman ang katotohanan kesa makipag-usap sa kanya 'no!

"What?" singhap ni Radjine. "Look, Reidjan. I know you missed her, but this is not the right time to talk to her!"

Missed me? Weh? Imbento silang dalawang magkapatid, baka pakulo na naman nilang dalawa ito. Bakit naman niya ako mamimiss, e, ang dami naman niyang pwedeng mamiss rito.

Hindi siya pinansin ni Reidjan.

"Alzhera..." mariing tawag niya pa. Akala niya ba matatakot ako ngayon sa kanya? Syempre, hindi.

My heart raced. Pinigilan ko ang sariling maapektuhan roon kaya hindi ko siya nilingon, Radjine keeps on ranting about us.

"Seriously? Ano bang meron? Naguguluhan na ako kung ano ang uunahin, if I shall let you two talk and settle your damn things or this... brown envelope!" iritadong sinabi niya at matalim akong tinitigan.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon