Kabanata 39

87.4K 3.2K 852
                                    



Kabanata 39


Panay ang hila ko sa kamay ni Reidjan, narito na kami sa tapat ng kanilang mansyon. Alas dose pa lamang ng tanghali, pero tumagal kami dahil sa paghila ko sa kanyang kamay para hindi makalabas ng sasakyan.

Suminghap siya sa muling paghila ko.

"Baby!" gigil na singhap niya at tinanggal ang kamay ko.

Kinagat ko ang labi ko at mabilis ulit siyang hinila sa braso naman ngayon para hindi makaalis.

"Please, sa ibang araw na lang."

Hindi pa talaga ako handa, kanina lang ay nagpractice pa ako sa isip ko kung anong maaring maging pagbati ko sa kanila o ano. Pero ngayon na mismong narito na kami ay nawawalan ako ng tapang.

Pumikit siya ng mariin at bumuga ng hangin na parang nauubusan ng pasensya, he looked at me with his soft eyes.

"Bakit sa ibang araw pa kung pwede naman ngayon?" he asked. "You already know them, Mom, Dad at si Radjine 'di ba? Don't be so nervous."

Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ang likuran ng palad ko. Napabuga ako ng hangin, gusto kong mapatango dahil sa kanyang kalambingan pero napapailing rin ako kapag naiisip ang kanyang parents.

Damn.

"Ayoko talaga," iling ko habang nakanguso. "Reid, please... I can't, not now."

He closed his eyes tightly, muli siyang bumuntong hininga. Nagulat ako ng buhatin niya ako paupo sa kanyang hita, tumawa siya at niyakap ang aking baywang.

"Just this one, please?" he pouted like a kid. This is the first time I saw him pouting! "Please, baby? Wala ka naman ibang gagawin doon, kahit hindi ka magsalita. Basta gusto kong makita ka nila."

Napangiwi ako sa kanyang itsura, ilang saglit pa ay hindi ko na napigilang mapahagikgik. Natawa rin siya pero tinigil na ang pagnguso na parang bata, he kissed my temple.

"Kiss muna!" I pouted.

Humalakhak siya, he bit my cheek before he gave a peck on my lips. Ngumuso ako nang hindi makuntento, muli siyang natawa sa itsura ko.

"Mamaya na," he whispered. Tumindig ang balahibo ko nang marinigan iyon ng malisya.

"Bastos!" I snorted, I hit his arm.

He chuckled, huminga siya ng malalim at binuksan na ang pintuan. Nakaabang na ang isang nakaunipormeng batid ko'y driver para sa paglabas niya. Napaubo pa iyon nang makitang buhat ako ni Reidjan nang lumabas.

My face quickly heated, mabilis akong kumalas kay Reidjan at tumayong mag-isa. Malamig na binalingan siya ni Reidjan at ibinigay ang susi ng sasakyan roon bago hawakan ang aking kamay upang pagsiklupin ang aming mga daliri.

"Magandang tanghali, Sir, Miss..." he greeted us.

Ngumiti lamang ako at si Reidjan ay tumango.

Bawat hakbang namin sa iilang baitang ng hagdan patungo sa bulwagan ng mansyon ay sobra sobra na ang kalabog ng aking dibdib sa sobrang kaba.

Cordóva Mansion, classic vintage style inspired. May dalawang puting rebulto sa magkabilang gilid ng malawak na bulwagan tila mga bantay sila roon, the marbled floor looked so expensive. The mansion itself was damn expensive, kung sino man ang architect at engineer na gumawa nito ay talagang nakakahanga.

Nangarap akong maging arkitekto noon para makagawa ako ng aking sariling mansyon pero wala akong future para sa kursong iyon, ni mag drawing ay wala akong talento. Kahit bilog na maliit ay hindi ko pa maperpekto.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon