Kabanata 47

86.3K 2.8K 675
                                    


Kabanata 47

Sobrang sakit...

Pinanuod ko siyang tumalikod sa akin. Gusto kong tumakbo para habulin siya, gusto kong magwala para amuin siya na dati na ang lahat ng ito. Na hindi ko na inulit pa ang mga nagawa kong kahihiyan.

I'm seriously in love with him that I could not even look at others around. Wala na akong ibang hahanapin pa kundi siya lang, wala namang iba. Simula nang mahalin ko siya pinagsisihan ko ang lahat ng bagay na nagawa ko.

Lahat lahat, pati ang kasamaan ko pagdating kay Daddy noon. Ang hindi ko pag-aaral ng mabuti at iba pang mga kahihiyan. I should have wait him, siya pala ang makakapagpabago ng sobra sa akin.

Reitius tamed me, yes. Nawala ang mga gawain ko dahil sa kanya, but now with Reidjan? Hindi lang ako tamed. Regretful pa ako sa lahat lahat, gusto kong irefresh ang buhay ko at siya na ang talagang hahanapin at hahabulin ko kapag nangyari iyon.

"See? Everyone will leave you-"

Nagtilian ang mga estudyante kaya napahinto si Mariah sa pagsasalita.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang suntukin ni Reidjan ang isang estudyanteng lalaki sa likuran, he's fuming mad as he gripped on the man's collar. His jaw clenched, halos magmakaawa pa ang lalaki doon kaya ibinalya na lamang niya sa semento.

Gustuhin ko man tumayo ay hindi ko magawa dahil sa panghihina ko, nanatili akong nakasalampak sa sahig habang pinapanuod siya. Muli siyang humarap sa banda ko at malamig na tumingin kay Mariah.

Mariah looks shocked. Nanginig agad siya sa takot dahil sa paninitig ni Reidjan.

"Are you done humiliating my girlfriend?" pormal na tanong niya.

My heart is thumping wild. Bumuhos lalo ang luha ko, bahagyang yumukod si Reidjan para pulutin ang iilang litrato sa sahig. He looked at those pictures and then tear them like it was all nothing.

"S-She fucked your cousin." Mariah stuttered.

Damn! I never fucked someone! Wala akong ibang binigyan ng aking sarili kundi si Reidjan lang, walang iba.

Reidjan's jaw clenched. Kabadong kabado ako dahil sa kanyang pinapakitang galit miski malamig lamang ang ekspresyon, nakikita ko sa kanyang mga mata ang galit.

"Are you kidding me?" he asked coldly. "I know my girlfriend more than all people do! Stop making fucking things would hurt her... or I'll fucking sue you." malamig niyang sinabi pasaring sa lahat ng nasa paligid.

His jaw clenched repeatedly.

"What?" sigaw ni Mariah, napapasinghap pa. "Are you serious? Nakakatawa ka! Akala ko mataas ka, isa ka rin palang tanga! Nagpapaloko sa babaeng 'yan! Bakit? Bakit kayo nababaliw sa kanya? Kasi nagagalaw-"

"Fucking shut your mouth, baka makalimutan kong babae ka!" Reidjan's voice boomed. Miski ako ay napatalon sa gulat.

"Tanga ka rin! Naniniwala ka sa babaeng 'yan! Oh my gosh! You're Reidjan Cordóva! Mataas ang inyong pamilya bakit ka nagpapakababa para sa isang babaeng laspag!"

Damn. It fucking hurts! Sobrang sakit kahit alam ko sa aking sarili na hindi totoo ang kanyang mga paratang. I only gave myself to Reidjan. I gave my all to him. How could she say that in front of these people?

Wala akong lakas para ipagtanggol pa ang sarili ko. Wala na akong pakealam sa ibang tao kundi kay Reidjan lang. He looks so pained that I want to run and hug him tight but I'm too weak to even stand up.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon