Kabanata 48

95.8K 2.7K 624
                                    


Kabanata 48


I watched Draziena choosing clothes for Devyll. Naisipan niya lang raw itong bilhan ng damit dahil gusto niyang makita na pili niya ang suot ni Devyll.

"What do you think? They all have the same taste in clothes, ano ba ang mga kadalasang gustong kulay ni Reidjan?"

Napangisi ako.

"Mahilig siya sa black and gray. But Devyll has fair skin, bagay sa kanya ang kahit na anong kulay. Sobrang dami na yatang damit noon, ba't damit pa naisipan mo?"

Hinawakan ko ang mga damit na nakadisplay sa aming harapan, panay ang tinginan ng mga tao sa amin dahil kay Draziena. Hindi ko naman sila masisisi dahil sikat itong si Draziena, pero ngayon ay hindi siya tumatanggap ng proyekto sa pag-arte. Puro lamang siya commercial endorsements.

Ngumuso siya.

"Gusto ko kasing makita siyang suot ang ako mismo namili."

Napangiti ako at tumango na lang sa kanya. Miski ako ay gusto iyon, ilang beses ko na ring nabilhan si Reidjan ng kung anu-ano pero hindi ko naman nakikitang sinusuot niya.

Hindi na ako nagtanong, it's not like he's required to wear anything I gave. Nakakahiya rin syempre, kaya hinayaan ko nalang. I gave him a Rolex watch on his eighteenth birthday but I haven't seen him wearing that.

Hindi ko alam kung hindi niya ba natipuhan o nahihiya siyang tumanggap ng regalo kaya hindi niya iyon sinusuot. May collection siya ng mga relo, araw-araw ay iba iba ang nakikita kong suot niya at hindi ko pa nakita iyong binigay ko.

Draziena bought eight pairs of clothes for Devyll, sobrang mahal ng bawat isa pero parang wala lang sa kanya iyon. Bumili rin siya ng mga kapareho noon na kulay sa kanya. Ako naman ay binilihan rin si Reidjan ng neckties, marami naman siyang ties pero gusto ko pang madagdagan iyon.

We ate lunch in Italian Restaurant, sandaling namahinga kami bago muling mag-ikot sa mall. Konti lang tao dito sa Shangri-La, at bawat mga estudyanteng makakita kay Draziena ay napapapicture sa kanya na hindi naman niya makuhang tanggihan.

Huminga ako ng malalim at nagtext kay Reidjan.

Ako:

Sa Shangri-La pa rin kami ni Raz.

Nakapagreply siya agad.

Reidjan:

I'm with friends, anong oras kayo uuwi? I can fetch you, narito rin naman si Devyll.

Nilingon ko si Draziena na abala sa paggagala ng paningin habang nakanguso.

"Anong oras tayo uuwi? Susunduin daw tayo, kasama ni Reidjan si Devyll."

Ngumiwi siya.

"We can go now, ikaw may gusto ka pa bang puntahan?"

"Wala naman na,"

I'm excited to see Reidjan, wala na rin naman akong kailangang bilhin dito. Tama na itong mga napamili kong damit, sobrang dami ko ng damit na hindi nagagamit at heto hindi ko na naman napigilang gumastos para sa panibago.

"Grocery? Wala na rin pala akong supplies sa condo." aniya.

Tumango ako.

Buti at pinaalala niya iyon, wala na rin akong supplies sa condo. Hindi ko na naalalang mag grocery dahil kumpleto lagi ang dala ni Reid tuwing magpupunta roon para magluto. Ewan ko ba doon, ayaw na ayaw niyang gumastos ako kahit para sa sarili ko.

Siya mismo ang nag gogrocery para sa supplies ko ng isang buwan, miski iyong mga sanitary pads ko ay kumpleto na kaya wala na talaga akong kailangan sa isang buwan. Minsan nga ay sobra pa.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon