Kabanata 18

75.5K 2.2K 509
                                    


Kabanata 18


Past came flashing back. Lahat iyon ay pinagsisihan ko, hindi ko alam kung anong kasamaan ang sumapi sa akin noong mga panahong iyon.

Maybe I was really hurt that time because of what happened between Reitius and me.

Hindi ko talaga kayang magtino noong nawala siya sa akin, kaya nagpapasalamat ako na kahit ganoon ang mga kahihiyang nagawa ko noon ay buong puso niya pa rin akong tinanggap ngayon.

Nakakatawa lang talaga na handa pa rin siyang pakisamahan ako kahit na may mga kamalian na akong nagawa noon. Humalik sa kung sinu-sinong lalake, nakikipag inuman kung saan saan at parating nasa bar.

Samantalang siya? Wala akong nadinig na tsismis tungkol sa kanya, nakikita ko siya sa school pero madalang lang. Ang balita ko lang ay parati siyang nasa Skyren para mag gig every night.

"Uy, oo nga pala. Kailan mo babyaran utang mo? Hindi pwede sa business ang utang, teh!"

Natawa ako kay Lexa na naniningil kay Giselle ngayon.

Umirap si Giselle at namula ang pisngi sa kahihiyan dahil narinig pa iyon ng mga kagroupmates namin at bahagyang nagtingin sa kanya.

"Ingay mo, babayaran ko 'yon! Akala mo naman ang sarap ng cookies mo!" ganti ni Giselle. "Ang mahal mahal pa, kala mo ginto!"

Nagtawanan kami ni Ashley, pumangalumbaba ako at naghighlight sa workbook namin ng mga possible help para sa reporting namin.

"Sus! Nasarapan ka pa rin kahit papaano, mahal kaya ng ingredients noon. Sa susunod perfect ko na 'yon." Lexa said confidently. "Basta, bayaran mo ang 180 pesos!"

Mga baliw talaga dito pa nagsingilan sa meeting namin, mabuti nalang at tatlo lang ang nadagdag sa amin. Dalawang lalake at isang babae, si Darris, Leroy at Janice.

Kami-kami ang napiling magkakagroup sa baby thesis na gagawin namin. Kumusta naman iyon? Ang ganda ng first year college namin, may ganoon na agad.

My lips puckered.

"Pa-order din ako, Lex..." I said.

She excitedly gaze at me. "Really? Nagustuhan mo ba 'yong pinatikim ko na free-taste? Natikman rin ba ni Reitius?"

Ngumisi ako at dalawang beses tinaas-baba ang aking kilay.

"Yup! Kaya nga one of these days magpapaturo na ako sa'yo kung paano mag bake ng cookies. Masarap naman 'yon kahit medyo 'di pa maganda ang itsura." I laughed.

Nagtawanan sila.

"Pa-order na rin ako, Lex!" sabi ni Janice.

Ngumuso si Lexa at inilista pa sa likuran ng notebook niya ang pangalan namin ni Janice, ang dami na ring nakalista roon at puro lalake ang pangalan. Malamang mga may crush sa kanya ang mga iyon.

"Sure!" she said. Nilingon niya sila Darris at Leroy. "Kayo, boys? Ayaw niyo ba?" halakhak niya.

Natawa lang ang dalawa at tumango kay Lexa, nagtaas sila ng kanilang index finger para sa order nila. Agad namang nilista ni Lexa iyon habang nakangisi.

"'Yon! Salamat! Nag-iipon kasi ako galing sa sarili kong pinaghirapan, you know..." aniya, tinakpan niya ang ballpen pagkatapos.

Masarap naman talaga ang gawa ni Lexa na cookies, pero kailangan pa ng practice more para gumanda ang itsura at hindi masyadong matamis ang pagkakagawa.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon