Kabanata 11

86.1K 2.6K 682
                                    


Kabanata 11


The tour spent well, narito kami sa bayan ng Isla Verde para makisali sa kanilang fiesta. Maingay ang buong paligid dahil mayroong ati-atihan na nagaganap.

I licked my icecream and watched the girls dancing in the middle of the road, sarado ang mga daanan kaya naman walang mga kotseng nagdadaanan.

"Wow! Ang saya pala rito!" Lexa happily screamed in awe.

Tumatalon talon silang dalawa ni Giselle para makita ang nagsasayawan sa daanan, sa kabilang banda ang mga lalakeng dancers at nagmistulang showdown iyon laban sa mga babae.

This is the first time I've been in a fiesta. Ganito pala iyon, may mga bandiritas sa itaas at ang mga puno sa paligid ay may nakasabit na ice candy, tunaw na ang mga iyon at iba-iba ang kanilang kulay.

May mga nagtitinda rin ng iba't ibang kulay ng sisiw na napapadaan sa aming harapan, sobrang cute nila. Hindi ko talaga akalain na ganito ang fiesta. Sobrang daming tao, halos mapuno na ang bayang ito.

Abala si Ashley sa kanyang camerang dala, kinukuhanan ng litrato ang mga taong nagkakasiyahan at ang paligid.

The music is loud, but the people's scream was louder while cheering their own bets, mayroong sa mga lalake at mayroong sa mga babae.

I noticed that boys cheered for girl dancers and the girls are cheering for boy dancers, parang nagkapalit ata sila?

I laughed while watching the showdown, may isang lalake ang tumambling at diretso siyang tumayo sa harapan ng isang babaeng maganda na dancer rin.

He held her chin in a flirt way while swaying his body in a cool groove.

The crowd went wild because of that. Nagtilian sila doon, the pretty girl dancer smirked as she pushed his chest sweetly and swayed her body, also.

Tumalikod pa siya sa lalake at idinikit ang kanyang likuran ng bahagya sa dibdib nito, the boy looked amused and started dancing with her. Nagsasayawan na rin ang kani-kanilang mga kasamahang dancer.

Mukhang enjoy lang talaga sila, ang cool ng mga galaw nila. Magagaan at talagang halatang mga dancers. Hindi iyong mga feeling dancer lang.

Nagmistulang step-up tuloy ang nangyari.

Gosh! Ang galing! Ang ganda! They're all awesome!

Lexa giggled beside me.

Inubos ko ang cone ng aking ice cream, I wiped my lips using the back of my palm. Stinky feels after eating sweet ice cream, but it tastes good.

They called it dirty ice cream. May ganoon rin sa Maynila pero wala akong tiwala kaya hindi ko tinitikman. Isla Verde is a very clean province, noong mamasyal nga kami ay walang mga kalat sa kalsada.

The air, also. Fresh and clean. Masarap sa balat, hindi katulad sa Manila na nakakalagkit sa feeling dahil mainit ang simoy ng polluted air.

"Omg! May kilig!" Lexa was screaming.

Hawak niya ang selfie stick niya pero natengga iyon sa ere dahil mas abala siya sa panunuod sa street dancers.

"Ang gwapo noong boy!" tili ni Giselle. Kinalabit niya ang isang babae sa kanyang harapan. "Ate, anong pangalan noong lalake?" she asked quickly.

My eyes widened. Ako pa ang nahihiya sa kanila. Geez! Nakisali si Lexa roon, nag abang sa sagot ng babaeng tinanong ni Giselle. They looked interested. Very.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon